PH20 na mula Cavite at naka-recover sa COVID-19, nagpasalamat sa lahat ng health workers

PH20 na mula Cavite at naka-recover sa COVID-19, nagpasalamat sa lahat ng health workers

- Isa si PH20 sa maswerteng naka-recover sa COVID-19

- Siya ang pinakaunang COVID-19 patient sa Cavite at naka-recover

- Pinasalamatan niya ang mga doktor at nurses na nagsasakripisyo maging ng sarili nilang buhay sa pakikipaglaban sa matinding virus na tumama sa mundo

- Saludo raw siya sa mga health workers na mas piniling iwan pansumandali ang pamilya upang makatulong sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pag-asa ang dala ng COVID-19 survivor na mula Cavite na si PH20.

Nakapanayam siya ng GMA News, at doon labis siyang nagpasalamat sa mga doktor at mga nurse na tumulong sa kanya sa kanyang paggaling.

Dalawang linggo rin ang itinagal niya sa ospital sa Imus at nasabi niyan maayos siyang naalagaan doon.

Malaki rin ang pasasalamat niya at pagsaludo sa mga frontliners maging ang lokal na pamahalaan ng Imus na hindi siya pinabayaan lalo na at di birong virus ang tumama sa kanya.

Malaki rin daw ang naitulong dasal at pagmamahal ng kanyang pamilya sa kanyang pagkakaligtas mula sa bangis ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Saludo ako sa inyo. Alam kong napakahirap lalo na sa family niyo pero ginagampanan niyo pa rin ang tungkulin niyo, which is nagpapasalamat ako lalo na ‘yong talagang mga nasa ospital, ‘yong mga doctor at nurse,” pahayag ni PH20.

Base sa datos ng Department of Health, si PH20 ay isang 48-anyos na lalaki mula Imus, cavite at may travel history sa Japan.

Nalagak siya sa Reasearch Institute of Tropical Medicine mula Marso 9.

Kasalukuyan nang may 636 pasyente ang nag-potibo sa COVID-19 base sa huling naitala noong Marso 25.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie "Parasite" already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you've watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel