Kapatid ni Ruby Rodriguez, ika-siyam na doktor na pumanaw dahil sa COVID-19

Kapatid ni Ruby Rodriguez, ika-siyam na doktor na pumanaw dahil sa COVID-19

- Sumakabilang buhay na si Dr. Sally Gatchalian, ang doktor na kapatid ng TV host/ actress na si Ruby Rodriguez

- Kamakailan ay kinumpirma ni Ruby na isa ang kanyang kapatid na doktora sa mga tinamaan ng COVID-19 at humihingi siya ng dasal at panalangin para rito

- Sa kanyang instagram post, ipinahayag ni Ruby ang pagmamahal sa yumaong kapatid

- Kalakip nito ang huling larawan nilang magkakapatid na kumpleto noong pasko ng nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang doktorang kapatid ni Ruby Rodriguez na si Dr. Sally Gatchalian.

Siya ang ika-siyam na doktor na sumakabilang buhay dahil sa COVID-19.

Sa instagram post ng TV host/ actress, binahagi niya ang masasayang alaala niya sa kapatid. Ito rin ang kanyang paraan upang ipaalam sa publiko na yumao na ang kapatid na nakipaglaban sa COVID-19.

Ipinahayag ni Ruby ang pagmamahal niya sa kanyang "Manang Sally" at kung paano niya ito mami-miss ngayong pumanaw na ito.

Ipinakita rin ng Eat Bulaga host ang larawan na simbolo ng masasayang alaala nilang magkakapatid kung saan nakumpleto pa sila nitong nakaraang pasko noong 2019.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa GMA News, si Dr. Gatchalian ay presidente ng Philippine Pediatric Society at assistant director ng Research Institute for Tropical Medicine kung saan isinasagawa ang mga test ng COVID-19.

Sa unang nai-ulat ng KAMI, nasabing humihingi ng dasal si Ruby dahil nakikipaglaban nga ito sa tindi ng COVID-19.

Ilang araw lamang ang lumipas at namayapa na rin si Dra Sally.

Nakkikiramay po ang KAMI sa naulila at naiwang mahal sa buhay na isa sa magigiting na doktor ng bansa na nakipagsapalaran laban sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you've watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel