Isang Minister ng Singapore, naiyak habang nagpapasalamat sa mga health workers

Isang Minister ng Singapore, naiyak habang nagpapasalamat sa mga health workers

- Di napigilang maluha ni Lawrence Wong, ang National development Minister sa pasasalamat sa lahat ng nakikiisa at nagsasakripisyo sa laban ng Singapore kontra COVID-19

- Hindi lamang mga health workers ang kanyang pinasalamatan kundi ang lahat ng mga frontliners

- Puro positibong mga pananalita ang kanyang binitawan sa lahat ng mga Singaporeans na buong puso na ginagawa ang kanilang bahagi upang masiguro lamang ang kaligtasan ng kanilang bansa sa kinatatakutang virus

- Sinabi rin niya na wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang pandemic na ito at tila umpisa pa lamang ang kanilang dinaranas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang National development Minister na si Lawrence Wong sa kanyang ministerial speech kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng Singaporean frontliners laban sa COVID-19

Sa video na binahagi ng Channel News Asia, isa isang pinasalamatan ni Wong ang mga nagsasakripisyo at buwis buhay na nakikiisa upang masiguro ang kaligtasan ng mga Singaporeans dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Hindi lamang mga health workers ang kanyang pinasalamatan kundi ang mga public officials, mga nangangasiwa sa paglilinis, security at maging ang airport management na tinawag pa niyang mga 'unsung heroes.'

Naluha na nang tuluyan si Wong nang sambitin niya ang pasasalamat sa mga taong ito at hindi raw sapat ang pasasalamat at appreciation na kanyang nasambit sa mga paghihirap ng mga grupong nabanggit.

Ang ilan na nakikinig sa session ay naluluha na rin dahil pawang totoo ang mga nasambit ng minister.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Wong, simula pa lamang daw ito ng isang mahabang laban kontra COVID-19.

“As SG United, we can beat the virus together and we will emerge stronger and toughened after this crisis,” ang pagtatapos ni Wong ng kanyang pahayag.

Sa ngayon, di nalalayo ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ng Singapore sa Pilipinas.

Base sa datos ng worldometer ng Marso 25, may 631 cases na ang Singapore habang may 636 cases naman ang Pilipinas.

Mas marami ang bilang ng naka-recover na sa Singapore na may bilang na 160 habang ang Pilipinas ay may 26 nang gumaling sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you've watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel