Sen. Pimentel, naglabas na ng pahayag kaugnay sa pagsama niya sa misis sa Makati Med

Sen. Pimentel, naglabas na ng pahayag kaugnay sa pagsama niya sa misis sa Makati Med

- Positibo sa coronavirus disease 2019 si Senator Koko Pimentel

- Kinumpirma niya mismo ito ngunit naging mainit na usapin dahil nagawa pa umano nitong samahan ang kanyang misis na manganganak na sa Makati Medical Center (MMC)

- Depensa ni Pimentel, bandang alas sais hanggang alas siyete kagabi, Marso 24 nang sila ay dumating sa MMC ngunit natanggap lamang daw niya ang tawag ng RITM bandang alas nuebe na ng gabi

- Agad naman daw siyang umalis sa ospital matapos na malaman ang resulta ng kanyang COVID-19 test

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di maiwasang mabatikos si Senator Koko Pimentel matapos na lumabag ito sa quarantine protocol lalo pa at lumabas na positibo siya sa COVID-19.

Sinamahan kasi nito ang kanyang misis sa Makati Medical Center (MMC) dahil manganganak na sana ito. Matatandaang isa si Pimentel sa dapat ay nag home quarantine tulad ng ginawa ng ilang mga senador matapos na makasalamuha ang isa nilang bisita na nagpositibo rin sa COVID-19.

Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa 24 oras, nilahad ng senador ang kanyang saloobin tungkol sa mga akusasyon sa kanya na pagiging iresponsable at tila nagkalat pa ng virus sa pagsama niya sa kanyang misis.

Depensa ni Pimentel, nasa ospital na sila nang matanggap niya ang tawag ng Research Institute for Tropical Medicine na nagsabi ng resulta na positibo siya sa COVID-19.

Bandang alas-sais hanggang alas-siyete nang dumating daw sila sa MMC ngunit natanggap niya ang tawag ng RITM bandang alas nuebe na ng gabi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit tila di raw katanggap-tanggap ang paliwanag na ito sa marami kabilang na ang mismong pamunuan ng MMC na naglabas na ng statement tungkol sa nagawa ng senador.

Sa naunang ulat ng KAMI, nasabi ng MMC na sa halip na makatulong ang sendor sa kasalukuyang sitwasyon, lalo pa nitong pinalala.

"We denounce the irresponsible and reckless action of the senator," ayon sa pirmadong pahayag ni Saturnino P. Javier MD Medical Director ng naturang ospital.

Dahil dito, kinailangan daw na i-quarantine ang mga nakasalamuha ni Pimentel sa MMC, dahilan para mabawasan ang mga medical staff doon.

Samantala, siniguro naman ng MMC na agad na na-disinfect at na-decontaminate na ang Makati Medical Center Delivery Room Complex.

Kasalukuyan nang 636 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health, kabilang na dito si Pimentel at ang unang senador na tinamaan ng naturang virus na si Senator Migz Zubiri.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you've watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel