Makati Med, kinundena ang aksyon ni Pimentel na positibo sa COVID-19

Makati Med, kinundena ang aksyon ni Pimentel na positibo sa COVID-19

- Kinundena ng Makati Medical Center ang naging aksyon ni Senator Aquilino Pimentel III na nagpositibo sa COVID-19

- Matatandaang naibalitang pumunta pa ang senador sa naturang ospital upang samahan ang manganganak na misis kahit pa isa itong PUI

- Pero ayon kay Pimentel, nalaman lang niya na siya ay positibo sa virus noong nasa Makati Med na siya at agad din naman daw umalis

- Sabi ng Makati Med sa isang statement, sa halip na makatulong ay nakadagdag pa sa problema ang ginawa ng senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang statement, kinundena ng Makati Medical Center ang naging aksyon ni Senator Aquilino Pimentel III na positibo na sa coronavirus disease.

Matatandaang naibalitang pumunta pa ang senador sa naturang ospital upang samahan ang manganganak na misis kahit pa isa itong PUI o Person Under Investigation.

"Last night [24 March 2020], the strict infection and containment protocols of the Makati Medical Center Delivery Room Complex were breached by a Senator of the Republic of the Philippines," ayon sa statement.

"By being in MMC, Senator Pimentel violated his Home Quarantine Protocol, entered the premises of the MMC-DR, thus, unduly exposed healthcare workers to possible infection.

"We denounce the irresponsible and reckless action of the senator."

Pero ayon kay Pimentel, nalaman lang niya na siya ay positibo sa virus noong nasa Makati Med na siya at agad din naman daw umalis.

Ngunit sabi pa ng Makati Med, sa halip na makatulong ay nakadagdag pa sa problema ang ginawa ng senador.

"By his actions, he contributed no solution. In fact, he created another problem- for Makati Medical Center, the very institution which embraced his wife for obstetric care."

Ayon din sa MMC, na-disinfect at na-decontaminate na ang Makati Medical Center Delivery Room Complex at pwede nang magamit.

Natukoy na rin ang mga sangkot na healthcare workers na posibleng nagkaroon ng exposure.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel