Hantavirus, ikinasawi ng 1 lalaki sa China sa gitna ng COVID-19 crisis

Hantavirus, ikinasawi ng 1 lalaki sa China sa gitna ng COVID-19 crisis

-Isang lalaki mula sa Yunnan province sa China ang nasawi dahil sa hantavirus

-Batay sa ulat, nakasakay sa isang bus ang lalaki kung saan ito binawian ng buhay papunta sa Shandong para pumasok sa trabaho

-Kasunod ito ng pag-lift ng quarantine sa China na epekto naman ng pandemic na coronavirus 2019

-32 pasahero na nakasakay ng lalaki sa naturang bus ang sumailalim na rin sa test

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki mula sa Yunnan province sa China ang nasawi dahil sa hantavirus.

Batay sa ulat ng Daily Mail at NY Post, nakasakay sa isang bus ang lalaki kung saan ito binawian ng buhay papunta sa Shandong para pumasok sa trabaho.

Kasunod ito ng pag-lift ng quarantine sa China na epekto naman ng pandemic na coronavirus 2019.

Sa isang tweet ng Global Times, kinumpirma na nasawi nga ang lalaki dahil sa nasabing virus na mula sa mga rodents o grupo ng mga mammals tulad ng daga.

Napag-alaman naman ng KAMI na isinailalim din sa test ang 32 pang pasahero ng bus na nakasakay ng lalaki.

Ayon sa World Health Organization, ang hantavirus pulmonary syndrome (HPS) ay zoonotic viral respiratory disease.

Kabilang sa mga sintomas nito ay pananakit ng ulo, pagkahilo, chills fever, pananakit ng mga muscle, at stomach problems, tulad ng nausea, pagsusuka, diarrhea, at abdominal pain, na maaaring maging sanhi ng respiratory distress at low blood pressure.

“The infection (in humans) is acquired primarily through inhalation of aerosols or contact with infected rodent excreta, droppings, or saliva of infected rodents,” base sa pahayag ng WHO noong 2018 matapos itong maminsala sa Argentina.

Kaya naman paglilinaw ng mga eksperto, hindi na bago ang virus na ito.

"It spreads from rat/mice if humans ingest their body fluids. Human-human transmission is rare. Please do not panic, unless you plan to eat rats," sabi naman ni Dr Sumaiya Shaikh, isang Swedish scientist, sa pamamagitan ng isang tweet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel