84 ang nadagdag! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 636 na

84 ang nadagdag! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 636 na

- Umabot na sa 636 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 sa ating bansa

- 38 naman ang naitalang pumanaw habang 26 naman ang naka-recover

- 84 ang nadagdag ngayong araw na ito, Marso 25

- Isa na rito si Senator Koko Pimentel na inanunsyo ang kanyang pagiging positibo sa virus

- Siya ang ikalawang senador na tinamaan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

84 ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ngayong araw, Marso 25.

Base sa datos na ibinahagi ng Department of Health, umabot na sa 636 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, anim ang nadagdag sa bilang ng mga naka-recover.

Isa sa kanila ang 64-anyos na mula sa Batangas, dalawa mula sa San Juan, isang 41-anyos na mula sa Pasig City at dalawa ang mula sa Quezon City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasamaang palad, tatlo naman ang nadagdag sa mga naitalang pumanaw. Sila ay mula Caloocan, Marikina at Quezon City.

Samantala, kabilang sa mga kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 si Senator Koko Pimental.

Umani siya ng batikos dahil nagawa pa raw umano nitong samahan ang manganganak na misis sa ospital base sa ulat ng Rappler.

Siya ang ikalawang senador na kumpirmadong nagpositibo sa naturang virus kasunod ni Senator Migz Zubiri na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you've watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel