Menor de edad sa US, pumanaw dahil sa coronavirus disease (COVID-19)

Menor de edad sa US, pumanaw dahil sa coronavirus disease (COVID-19)

- Isang menor de edad ang pumanaw sa United States dahil sa coronavirus disease (COVID-19)

- Ayon sa mga opisyal, posibleng ito ang kauna-unahang kaso ng menor de edad na pumanaw sa US dahil sa COVID-19

- Sabi ng isang opisyal, ito raw ay isang paalala na lahat ng edad ay maaaring tamaan ng coronavirus

- Samantala, nasa lagpas 53,300 naman na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa United States

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang menor de edad sa United States ang pumanaw dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na maaaring ito ang kauna-unahang kaso sa US na menor de edad ang pumanaw.

Ayon sa ulat ng The Straits Times, kinumpirma sa isang pahayag ng mga health officials ng Los Angeles na isang pasyente na wala pang 18 anyos ang pumanaw dahil sa COVID-19.

"This is a devastating reminder that COVID-19 affects people of all ages. Covid-19 does not discriminate by age, race or income level," sabi ni Los Angeles County public health director Barbara Ferrer.

Subalit, wala namang ibang impormasyon na inilabas ukol sa menor de edad. Sa ngayon ay iniimbestigahan pa kung paano nagkaroon ng COVID-19 ang pasyente.

Ilang mga pag-aaral nga ang nagsabing mas posibleng maapektuhan ng COVID-19 ang mga matatanda at ang may iba pang mga sakit.

Sa China, isang 10 buwan na sanggol at isang 14 anyos na binata lang ang naitalang pumanaw nang magkaroon ng coronavirus disease.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ulat ng Bloomberg, nasa 53,308 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa United States. Samantala, nasa 709 naman ang mga pumanaw dahil dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI reviewed the 2020 Oscar Best Picture movie "Parasite" to let you know if it is worth checking out! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel