Matapang na pahayag ng isang doktor tungkol sa COVID-19 sa bansa, viral

Matapang na pahayag ng isang doktor tungkol sa COVID-19 sa bansa, viral

- Buong tapang na naglabas ng saloobin ang isang doktor na mula sa Region 3

- Sinabi niya kung gaano kahirap labanan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa lalo na kung hindi marunong sumunod ang ilang mga Pinoy na sana raw ay nananatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay

- Nabanggit din niyang unti-unti nang nababawasan ang mga doktor dahil sila na mismo ang tinatamaan ng sakit

- Nararapat na rin daw na bigyan na ng mga nasa local government unit ng pagkain ang mga tao nang sa gayon ay wala nang lumalabas pa ng kani-kanilang mga tahanan

- Simpleng pananatili lamang daw sa mga bahay ang hiling nila upang mapigilan na ang paglaganap pa ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon online ang matapang na pahayag ng doktor na nagpakilalang si Rowena Mangubat mula sa PNP regional advisory council ng Region 3.

Tungkol ito sa kinakaharap na sitwasyon ng bansa kaugnay sa COVID-19 na sadyang nakakabahala lalo na at unti-unti nang tinatamaan ng virus ang mga doktor na sana'y makatutulong sa pagpapagaling ng mga nagpositibo sa virus na ito.

Ayon sa doktora, tila hindi raw sineseryoso ng mga Pilipino ang enhanced community quarantine. Ito sana kasi ang pinakamainam na paraan upang mapigilan na ang paglaganap pa ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, sana raw ay mas nagiging mahigpit ang pagbabantay sa mga tao at hindi na talaga ito pinalalabas ng kanilang mga tahanan.

Nararapat lamang daw na bigyan na ng local government units ang kanilang mamamayan ng pagkain upang wala na itong mai-rason para lumabas pa.

Kung kinakailangan, mas mainam din daw na 'total lockdown' na ang mangyari nang sa ganoon ay wala nang lalabas pa sa kanilang mga bahay at tuluyang mapigilan na ang pagkalat pa ng nakamamatay na virus.

Narito ang kabuuan ng video ni Theofilus Luna Santos ng TSO TV at binahagi rin ni Bornok Ismali:

Kasalukuyan nang may 552 confirmed cases ng COVID-19 ang Pilipinas at 35 na ang naitalang pumanaw dahil dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel