Kabaong, ginamit bilang barikada sa quarantine checkpoints ng isang barangay

Kabaong, ginamit bilang barikada sa quarantine checkpoints ng isang barangay

- Dalawang kabaong ang ginawang barikada sa quarantine checkpoints ng isang barangay sa Orani, Bataan

- Ito ay upang magbigay babala sa mga may nais sumuway sa mga patakaran ng quarantine na nakamamatay ang coronavirus disease

- Nakalatag ang dalawang kabaong sa entry at exit quarantine checkpoints sa Barangay Mulawin

- Nakalagay pa sa mga kabaong ang mga mensahe na “Stay at home or stay here” at “COVID-19 is real”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang barangay sa Orani, Bataan ang ginawang barikada sa checkpoints ang mga kabaong para magbigay ng babala sa mga residenteng susuway sa mga patakaran ng quarantine.

Ayon sa report ng ABS-CBN news, upang maging maliwanag sa kanilang nasasakupan ang banta ng coronavirus disease, naglagay ang pamunuan ng Barangay Mulawin ng dalawang kabaong na may mga mensahe na “Stay at home or stay here” at “COVID-19 is real.”

Inilatag ang dalawang kabaong sa entry at exit checkpoints sa naturang barangay.

Layunin ng pakanang ito ng pamunuan ng barangay, sa pamumuno ng chairman na si Marvin Dela Cruz, na mabawasan ang mga residenteng sumusuway sa mga patakaran na ipinatupad para sa enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kabaong, ginamit bilang barikada sa quarantine checkpoints sa Bataan

Photos Courtesy of Marvin Dela Cruz at Mike Cigaral
Source: Facebook

Base sa ulat, binalaan din ng punong barangay ang mga kinasasakupan niya na sumunod sa mga patakaran kung gusto pa nilang humaba ang kanilang mga buhay.

Samantala, nagpatupad na rin ng 24 oras na curfew ang buong bayan ng Orani.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng Kami, isang 39-anyos na babae na positibo sa COVID-19 ang kinunan ng video ang sarili habang siya ay nasa intensive care unit ng isang ospital sa London upang magbigay ng babala sa publiko.

Batay sa huling update ng Department of Health noong 4:00 pm ng Marso 24, umakyat na sa 552 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa pandemic disease.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Are you an avid fan of a celeb? You might want to challenge yourself and see if you can guess the voice of celebs through recordings. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel