Pinaka-unang nasawi sa LA County dahil sa COVID-19, 1 Fil-Am

Pinaka-unang nasawi sa LA County dahil sa COVID-19, 1 Fil-Am

- Isang Filipina-American ang pinaka-unang nasawi dahil sa coronavirus disease sa Los Angeles County

- Ayon sa ulat, bumiyahe ang 68-anyos na Pinay sa Thailand, Pilipinas at South Korea noong Pebrero kasama ang mister nito

- Na-comatose pa umano ito at apat na beses itong nag-cardiac arrest bago tuluyang pumanaw

- Sumailalim naman sa COVID-19 test ang kanyang mister na nakaself-quarantine na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Filipina-American ang pinaka-unang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 sa Los Angeles County.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabing bumiyahe noong Pebrero ang 68-anyos na si Loreta sa Thailand, Pilipinas at South Korea, kasama ang mister nito na si Rody.

Matapos nito ay pumunta ang mag-asawa sa Los Angeles para dalawin ang kanilang mga kaanak.

Dito na umano lumabas ang sintomas ng COVID-19.

Na-comatose si Loreta na sinubukan pang i-revive ng mister ngunit nang maisugod na ito sa ospital ay apat na beses itong nag-cardiac arrest bago tuluyang binawian ng buhay.

Nakatakda umanong ilibing si Loreta sa Florida ayon sa anak nito na si Rem. Emosyonal ito habang inaalala ang ina sa isang online interview dito ng ABS-CBN News.

Humiling daw si Rody na magpa-COVID-19 test ngunit ayon sa health department doon ay hindi pa umano malala ang sintomas nito kaya pinayuhan na lamang na magself-quarantine.

Pero nang lumabas sa mga ulat ng mga local media roon ang insidente ay tinest na rin si Rody at kasalukuyang hinihintay ang resulta.

Sa USA, umabot na sa 54,916 ang kaso ng coronavirus doon at 784 na ang namatay.

Samantala, sa Pilipinas, umabot na sa 552 ang positibong kaso ng virus at mayroon nang 35 na nasawi at 20 recoveries, na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel