Medical team mula Cuba, nakarating na sa Italy upang tumulong laban sa COVID-19

Medical team mula Cuba, nakarating na sa Italy upang tumulong laban sa COVID-19

- Dumating na sa Italy ang medical team mula sa Cuba na sasaklolo sa kanilang bansa sa laban nito sa COVID-19

- Nasa 36 na mga doktor, 15 nurses at isang logistics expert ang pinadala ng Cuba sa Lombardy na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Italy at may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 sa naturang bansa

- Bukod sa Italy, may ilang medical team din mula sa Cuba ang pinadala sa iba pang bansa na nangangailangan na ng tulong dahil sa bagsik ng virus na kumitil na sa napakaraming buhay

- Tinagurian silang mga "armies of white robes" at matagal nang panahon silang tumutulong sa iba't-ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang ginawa ng Medical team mula Cuba dahil hindi sila nagdalawang isip na tumugon sa paghingi ng saklolo ng Italy.

Binahagi ng LadBible ang video ng pagdating ng medical team sa Italy partikular na sa Lombardy, isang rehiyon sa hilagang bahagi ng Italy kung saan natagpuan ang pinakamaraming nabiktima ng COVID-19.

Pinalakpakan ang mga Cuban nang dumating sila sa italy at ngayon pa lamang daw ay maituturing na silang mga bayani.

Ayon pa sa GMA News, tinaguriang mga "armies of white robes" ang mga ito at handa silang ibahagi ang kanilang serbisyo sa sinumpaang propesyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, di lamang Italy ang tinulungan ng Cuba. Dahil isa nang pandemic ang COVID-19, marami pang mga bansa ang tinulungan ng Cuba sa pakikidigma sa nakamamatay na virus.

May mga medical teams din silang pinadala sa Venezuela, Nicaragua, Jamaica, Suriname at Grenada.

Bagaman at mayroon ding naitalang kaso sa kanila mismong bansa sa Cuba, Itinuloy pa rin nila ang pagtulong sa iba pang mga bansa.

Sa ngayon, mayroon nang 63,927 na kumpirmadong kaso ng COVID-29 sa Italy ayon sa worldometer. 6,077 naman ang pumanaw habang 7,432 naman ang naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel