Pampanga health chief na may sintomas ng COVID-19, pumanaw na

Pampanga health chief na may sintomas ng COVID-19, pumanaw na

- Pumanaw na ang provincial health chief ng Pampanga na si Dr. Marcelo Jaochico, dalawang linggo matapos itong makitaan ng sintomas ng coronavirus disease

- Ganunpaman, hindi pa lumalabas ang resulta kung ito ay positibo na ng sakit

- Ayon sa lumabas na ulat, nasawi si Dr. Jaochico dahil sa cardiac arrest

- Inalala naman ito ng kanyang anak at mga nakakakilala rito sa pamamagitan ng social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa man kumpirmado kung mayroong coronavirus disease, pumanaw na ang provincial health chief ng Pampanga na si Dr. Marcelo Jaochico.

Nasawi ito dalawang linggo matapos makitaan ng sintomas ng sakit, batay sa ulat ng Inquirer.

Ganunpaman, hindi pa lumalabas ang resulta ng isinagawang test dito para malaman kung ito ay positibo o negatibo sa COVID-19.

Ayon sa lumabas na ulat, pumanaw si Dr. Jaochico dahil sa cardiac arrest sa edad na 56.

Sa pamamagitan ng social media, inalala siya ng kanyang anak na si Cielo Jaochico.

"Oh to receive such news in isolation where you can’t even hug your loved ones. Mahal na mahal kita, daddy. You deserve better than this.

"When you speak of him, please speak only of good words. Please do not remember him as someone who just died because of COVID-19.

"Sobrang dami niyang ginawa para sa bayan. Please pray for his soul. Please pray for the souls of those who are still fighting," sabi nito.

Ayon kay Cielo, Marso 8 pa nang huli niyang makita ang kanyang ama at hindi inakalang iyon na ang huling pagkakataon na masisilayan niya ito.

Ayon din kay Cielo, nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Dr. Jaochico.

"My dad’s body will be cremated dahil toxic ang katawan niya. Daddy, di man lang namin ikaw nayakap kahit malamig ka na. Di ko alam na noong March 8 na pala huling beses kitang makikita," anito sa isang FB post.

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay para sa kanilang pamilya.

"So sad to read this post Cielo. God knows the best for your Dad. Doc Bro Pareng Mar is a hero. May he rest in peace with God in heaven. Be strong Cielo. Our deepest condolences and prayers to the whole family."

"Condolences Cielo.. your daddy is a Hero. Be strong.. For your siblings and mom.. Prayers for the whole family."

"I'm sorry to read this sad news pamangkin.. We're praying for your family, who were left behind by Doc Mar. Be strong."

"Condolence Pamangkin. Stay strong for Ate Anne and your siblings. Praying for God's comfort to you all. Rest in Peace, Doc."

"Teary eyes and speechless cielo.. be strong apo...Mar may your soul rest in peace d nman kmi mkakauwi apo.mhigpit din cla d2."

Mula sa KAMI, nakikiramay kami sa mga naulila ni Dr. Marcelo Jaochico.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang doktor o frontliners na ang nagbuwis ng buhay sa Pilipinas. Ang isa sa kanila, inalala ng nobya nito na emosyonal na nagbigay pa ng mensahe, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa isa pang report ng KAMI, umakyat na nga sa 552 ang naitalang kaso ng pandemic disease sa bansa matapos makapagtala ng 90 panibagong kaso ang DOH kahapon, Marso 24.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel