Pedicab driver na ₱40 na lang ang natitirang pera, humihingi na ng tulong

Pedicab driver na ₱40 na lang ang natitirang pera, humihingi na ng tulong

- Umiinda na ang isang pedicab driver na walang kinikita dahil sa tigil pasada bilang pag-iingat sa COVID-19

- Isa lamang siya sa mga apektado ang kabuhayan dahil sa COVID-19

- Gustuhin man daw nilang sumunod sa panukala ng gobyerno na manatili sa kanilang bahay, pinoproblema naman daw ng mga ito ang kanilang ipapakain sa kanilang pamilya

- Mag-aantay na lamang daw sila ng tulong mula sa mga local government units ngunit hiling nila na sana ay mapabilis ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na maiwasang uminda ng ilang pedicab drivers sa Pandacan, Manila tulad ni Virgilio Calinag na nangangambang wala nang makain sa mga susunod pang mga araw dahil sa kanilang tigil pasada bilang pag-iingat sa COVID-19.

Aminado si Virgilio pumuslit siya ng pamamasada kaya may 40 pesos siyang kinita. Ito raw ang ipambibili niya ng bigas at sardinas na pagsasaluhan nilang mag-anak

Sa panayam naman ng GMA News sa isa pang driver na si Erwin Dumalag, ito lamang daw kasi ang alam nilang maari nilang pagkakitaan kaya naman labis silang naapektuhan ngayong pinagbabawalan silang bumiyahe.

Ang pinoproblema na talaga nila ngayon ay kung saan sila kukuha ng ipakakain sa kani-kanilang mga pamilya.

Alam nilang pagsuway ang ginagawa nilang pasimpleng pagpasada ngunito ito ay upang may isustento lamang talaga sa nagugutom nilang pamilya.

Pedicab driver na ₱40 na lang ang natitirang pera, humihingi na ng tulong

source: Katrina Son
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, humihingi na sila ng tulong sa sinuman ang may mabuting kalooban.

Hihintayin na lamang din daw nila ang ibibigay ng local government unit sa kanilang lugar na siyang inatasan ni Pangulong Duterte na mangalaga sa mamamayang kanilang nasasakupan.

Hiling lamang ng tulad nina Virgilio at Erwin na sana'y mas mapabilis ito dahil mahigit isang linggo pa lamang ang itinatagal ng enhanced community quarantine ay gutom ang kalaban nila bukod sa bangis ng COVID-19.

Base sa huling update ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno, 30 na ang kumpirmadong bilang ng mga COVID-19 sa lungsod ngayong Marso 24.

Ayon naman sa pinakahuling datos ng Department of health, umabot na sa 552 ang naitalang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Karamihan pa rin sa mga ito ay mga taga-Metro Manila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel