Video ng 1 batang humahabol sa pulis na ina, dumurog sa puso ng marami

Video ng 1 batang humahabol sa pulis na ina, dumurog sa puso ng marami

- Viral sa social media ang video ng isang batang lalaki na pilit humahabol sa kanyang ina na isang pulis

- Maraming netizens ang nadurog ang puso sa tagpong ito na mabilis kumalat sa social media

- Matatandaang kinailangan ng taong-bayan ang ating kapulisan upang tumulong sa pagpigil na kumalat ang pandemic disease na coronavirus 2019

- Dahil dito, karamihan sa kanila ay malayo na o kaya naman ay hindi na nakakasama ang kanilang pamilya sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral sa social media ang video ng isang batang lalaki na umiiyak na humahabol sa kanyang ina na isang alagad ng batas.

Sa video na ibinahagi ni Enylana Jing, makikita ang nakakadurog-pusong eksena ng mag-ina.

Pilit na humahabol ang bata sa kanyang nanay habang ang pulis naman ay naluha na lamang dahil sa kanilang sitwasyon.

Hindi tuloy naiwasan ng ilang netizens ang maantig ang damdamin sa tagpong ito sa pagitan ng isang musmos na walang alam sa tunay na sitwasyon at ng isang ina na naipit sa kanyang tungkulin sa bayan.

"Sakit sa dibdib mabuhay kayo mam godbless u and your family."

"Nkakaiyak nmn but God is good matatapos din ito."

"Ang sakit."

"So sad but true."

"We understand u ate...GOD WILL ALWAYS PROTECT YOU AND UR FAMILY."

Matatandaang kinailangan ng taong-bayan ang ating kapulisan upang tumulong sa pagpigil na kumalat ang pandemic disease na coronavirus 2019.

Dahil dito, karamihan sa kanila ay malayo na o kaya naman ay hindi na nakakasama ang kanilang pamilya sa ngayon.

Sa isa pang report ng KAMI, ilang pulis at sundalo naman ang namataan ng isang netizen na pansamantalang namamahinga sa kalye na tanging karton lang ang panapin laban sa init ng semento.

Hindi rin ligtas ang mga ito mula sa virus. Kamakailan, isang pulis na nakatalaga sa Maynila ang nasawi na rin dahil sa COVID-19, na naiulat na ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, umabot na sa 552 ang naitalang positibo sa COVID-19 ayon sa Department of Health, na una ng naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel