90 COVID-19 cases, naitala ngayong araw; positibo sa sakit, 552 na

90 COVID-19 cases, naitala ngayong araw; positibo sa sakit, 552 na

- Nakapagtala ng 90 panibagong kaso ng coronavirus positive case sa Pilipinas ngayong araw

- Batay yan sa huling update ng Department of Health (DOH) hanggang kaninang 4:00 pm, Marso 24

- Dahil dito, umakyat na sa 552 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa pandemic disease

- Nakapagtala rin ngayong araw ang DOH ng dalawang namatay at dalawang recoveries

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

90 ang naitalang panibagong kaso ng nagpositibo sa coronavirus 2019 ngayong araw sa Pilipinas.

Batay yan sa huling update ng Department of Health (DOH) hanggang kaninang 4:00 pm, Marso 24.

Dahil dito, umakyat na sa 552 ang kabuuang bilang ng nagpositibo na sa pandemic disease sa bansa.

Dalawa naman ang bilang na nadagdag sa mga nasawi na umabot na sa 35.

Isang 71-anyos na lalaki mula sa Quezon City at walang history ng pagbyahe o kaya naman ay exposure.

Ang isa naman ay isang 76-anyos na lalaki mula sa Cavite. Wala rin itong history ng pagbyahe o kaya naman ay exposure.

Dalawa rin ang naitalang naka-recover sa virus ngayong araw ayon sa DOH. Dahil dito, nakapagtala na ng 20 recoveries mula sa sakit.

Isang 21-anyos na babae mula sa Davao de Oro na bumiyahe sa Qatar at United Kingdom.

Ang isa naman ay isang 76-anyos na babae mula sa Quezon City at may history sa mga COVID-19 positive case.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad na manatili na lamang sa loob ng bahay upang hindi mahawa pa sa sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa Spain, naging pansamantalang morgue na ang isang napakalaking ice rink sa loob ng isang mall upang matugunan ang malaking bilang ng namamatay doon, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel