Ice rink sa loob ng mall sa Spain, naging morgue dahil sa coronavirus

Ice rink sa loob ng mall sa Spain, naging morgue dahil sa coronavirus

- Pansamantalang naging morgue ang isang ice rink sa loob ng isang mall sa Madrid sa Spain para tugunan ang sunod-sunod na pagkamatay doon dahil sa coronavirus 2019

- Ipinatigil muna ng city government ang pagtanggap ng mga namatay sa 14 na pampublikong sementeryo sa lugar dahil wala umanong sapat na proteksyon ang mga manggagawa roon

- Maging ang congress centre na malapit doon ay ginawa na ring field hospital diumano para matugunan ang mga may COVID-19, lalo na yun kailangan ng intensive care

- Ilang matatandang mamamayan naman ang natagpuang inabandona o kaya naman ay tuluyan nang nasawi sa mga retirement homes sa Spain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sitwasyon sa isang ice rink sa loob ng isang mall sa Madrid sa bansang Spain na naging pansamantalang morgue para sa mga namatay sa coronavirus 2019.

Ito ay upang matugunan ang sunod-sunod na pagkamatay sa bansa na nakapagtala na ng 33,089 kaso ng virus. 2,182 dito ay nasawi na hanggang noong Lunes, Marso 23, kung saan mayroong 462 na namatay sa loob lamang ng 24 oras.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, ipinatigil muna ng city government ang pagtanggap ng mga namatay sa 14 na pampublikong sementeryo sa lugar dahil wala umanong sapat na proteksyon ang mga manggagawa roon.

“This is a temporary and exceptional measure which aims to mitigate the pain of the family members of the victims and the situation hospitals in Madrid are facing,” ayon sa regional government ng Madrid.

Maging ang congress centre na malapit doon ay ginawa na ring field hospital diumano para matugunan ang mga may COVID-19, lalo na yung kailangan ng intensive care.

Samantala, batay din sa ulat, ilang matatandang mamamayan naman ang natagpuang inabandona o kaya naman ay tuluyan nang nasawi sa mga retirement homes sa Spain.

“The army, during certain visits, found some old people completely abandoned, sometimes even dead in their beds,” sabi ni Defence Minister Margarita Robles.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel