95-anyos na lola, pinakaunang naka-recover sa COVID-19 sa Modena, Italy

95-anyos na lola, pinakaunang naka-recover sa COVID-19 sa Modena, Italy

- Isang 95-anyos na lola ang pinakaunang naka-recover sa COVID-19 sa Italy

- Mula siya sa probinsya roon sa Modena at marami ang natuwa na nalampasan ito ng matanda na di inaasahan

- Sinasabing ang mga tulad niya kasi ang madaling tamaan at madali rin pumanaw dahil sa kinatatakutang virus ngunit himala na ito'y naka-recover

- 23 na pasyente na ang naka-recover sa kanilang lugar habang hinaharap pa ang kanilang bansa ang patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay ng pag-asa sa Italy ang 95-anyos na lola na pinakaunang naka-recover sa coronavirus disease 2019 sa kanilang bansa.

Ayon sa New York Post, nakilala ang lola na si Alma Clara Corsini na mula sa probinsya ng Modena sa Italy.

Marso 5 nang ma-admit sa Pavullo ang lola base sa ulat ng Gazzetta Di Modena.

Makalipas ang dalawang linggong gamutan, masasabing tila ba'y isang himala na gumaling ang matanda.

Sa panayam mismo sa kanya ng Metro UK, sinabi ni Alma na nasa mabuti na siyang kalagayan at laking pasalamat niya sa hospital staff na nag-alaga sa kanya at siniguro ang kanyang paggaling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinasabing ang mga tulad ni Alma ang madaling tamaan ng virus at madalas na mauwi sa kamatayan. Kaya naman marami ang natuwa at nagkaroon ng pag-asa dahil sa sinapit na paggaling ng lola.

Sa ngayon, 23 na ang naitalang naka-recover sa kanilang probinsya sa Modena habang patuloy na nakikipaglaban pa rin ang kanilang bansa sa di mapigilang paglobo ng kaso ng COVID-19 doon.

Base sa huling datos ng worldometer, 59,138 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Italy, 5,476 na ang pumanaw at pinangunahan ni Alma ang 7,024 na mga naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel