39-anyos na COVID-19 patient, kinunan ng video ang sarili upang magbigay babala

39-anyos na COVID-19 patient, kinunan ng video ang sarili upang magbigay babala

- Nagbahagi ng video si Tara Jane Langston, isang COVID-19 patient kung ano ang kanyang kalagayan sa pakikipaglaban sa kinatatakutang virus ng mundo ngayon

- Ibang klaseng pag-ubo, hirap na paghinga at hinahabol na mga salita ang kapansin-pansin kay Tara na nasa intensive care unit ng ospital sa London

- Ipinakita ni Tara ang hirap ng pagkakaroon ng COVID-19 kahit pa malusog ang kanyang pangangatawan

- Hindi itinuturing na high-risk patient si Tara ngunit labis na nakakabahala na ang kalagayan nito

- Sa pinakahuling video na kanya muling binahagi, mas bumubuti na raw ang kanyang kalagayan at umaasa siyang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon online ang isang video ng COVID-19 patient na pinakita ang aktwal na nangyayari kapag tinamaan ng nakamamatay na virus.

Matapang na binahagi ni Tara Jane Langston ang kanyang video habang siya ay nasa intensive care unit ng isang ospital sa London.

Makikitang hirap siyang umubo, hinanahol ang hininga at hirap din sa pagsasalita ang 39-anyos na pasyenteng nagbigay ng babala sa publiko na hindi biro ang magkaroon ng coronavirus disease 2019 na kumitil na sa buhay ng marami.

Nagbabala pa siya sa mga naninigarilyo na itigil na ang bisyo dahil labis na mahalaga ang baga sa ating katawan.

Base sa ulat ng The Guardian, mabuti na lamang din at may "healthy lifestyle" daw si Tara ayon sa kanyang mister kaya naman nalalabanan pa nito ang bangis ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit, kapansin-pansin na hirap parin ito sa kayang kalagayan kaya naman mas matindi ang hirap ng mga may iniinda nang karamdaman bago pa tamaan ng COVID-19

Sa huling naitala ng Public Health England, may 953 na kupirmadong kaso ng COVID-19 sa London.

Samantala, base sa huling update ni Tara, pinakita niyang bumubuti na ang kanyang karamdaman at umaasang patuloy na siyang gagaling at malalampasan ang matinding pagsubok na dala ng COVID-19 di lamang sa kanya kundi sa kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi rin ni Luis Gustavo Moretti:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel