OFW sa Italy, isinalaysay ang kalagayan nila sa gitna ng panganib na dala ng COVID-19

OFW sa Italy, isinalaysay ang kalagayan nila sa gitna ng panganib na dala ng COVID-19

- Binahagi ng isang OFW sa Italy ang kalagayan nila sa lugar na tinaguriang bagong episentro ng COVID-19

- Total lockdown na sa Italy at pinahihintulutan lamang na lumabas ang mga tao roon upang mamili ng pagkain, gamot at iba pa nilang mga kailangan

- Magmumulta ng 206 euros o nasa 11,000 pesos ang sinumang makikitang pagala-gala lamang sa kalsada

- Dahil sa krisis na ito, dumadaing na daw ang ilan nating mga kababayan dahil sa wala silang trabaho roon pansamantala kaya nangangahulugang wala rin silang sasahurin sa mga susunod na araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

- Nangako naman si Raffy Tulfo na aalalayan niya ang mga OFW upang matulungan ang mga ito ng DOLE

Kinumusta ng programang Raffy Tulfo in Action ang lagay ng isang overseas Filipino Worker na kasalukuyan ngayong nasa Milan, Italy.

Nakapanayam ni Tulfo si Rodel Chavez na naroon mismo sa tinaguriang pinakabagong episentro ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa mundo.

Ayon kay Rodel, total lockdown na ngayon sa Italy sa dami na ng mga nag-positibo sa naturang virus.

Bukod pa rito, umabot na sa halos limang libo ang namamatay sa kanila sa loob lamang ng limang araw.

Tulad din dito sa Pilipinas, pinahihintulutan lamang silang lumabas kung kinakailangan nilang bumili ng mga pagkain, gamot at iba pa nilang pangangailangan sa pangaraw-araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahigpit na ipinagbabawal doon ang paglabas dahil maaring magmulta ang mga lalabag ng 206 euros o nasa 11,000 pesos. Kung wala namang pambayad, maari naman silang makulong ng hanggang tatlong buwan

Dahil sa total lockdown, pansamantalang tumigil sa trabaho ang mga kababayan natin doon kaya naman karamihan sa kanila ay nangangambang mawalan na sila ng makakain sa mga susunod na raw.

Ang isa pa, maaring wala na rin daw mabalikang trabaho ang ilan nating mga kababayan dahil sa tindi ng krisis na kinakaharap ngayon ng Italy.

Nangako naman si Tulfo na tutulong siyang maipaabot sa DOLE ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Italy na humihingi na rin ng tulong sa kinauukulan

Narito ang kabuuan ng video:

Kasalukuyan nang may 59,138 na kumpirmadong kaso sa Italy, 5,476 ang naitalang pumanaw at 7,024 ang naka-recover ayon sa datos na ibinahagi ng worldometer.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel