Paandar ng mga barangay para sa mga "pasaway", kinaaliwan ng netizens

Paandar ng mga barangay para sa mga "pasaway", kinaaliwan ng netizens

- Kanya-kanyang diskarte ang bawat barangay ngayon upang mapasunod ang kanilang mga mamamayan dahil sa umiiral na "enhanced community quarantine" sa ilang parte ng bansa

- At dahil hindi mawawala ang mga pasaway, iba-ibang gimik na rin ang ginawa ng mga awtoridad

- Mabilis na nag-viral ang ilang videos sa social media kung saan tila dinaan na lamang ng ilang opisyal sa "reverse psychology" ang ilang matitigas ang ulo

- Ang ilang netizens, naaliw sa mga nakakatawang gimik na ito pero ang ilan 'di naman naiwasang mainis sa mga pasaway

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kanya-kanyang diskarte ang bawat barangay ngayon upang mapasunod ang kanilang mga mamamayan dahil sa umiiral na "enhanced community quarantine" sa ilang parte ng bansa.

Kasunod ito nang pagkalat ng pandemic disease na coronavirus 2019 na kumitil sa buhay ng libo-libong tao sa mga bansang naapektuhan nito.

Kamakailan lang ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ECQ sa buong Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng deadly virus.

At dahil hindi mawawala ang mga pasaway, iba-ibang gimik na rin ang ginawa ng mga awtoridad.

Mabilis na nag-viral ang ilang videos kung saan tila dinaan na lamang sa "reverse psychology" ng mga opisyal ang mga matitigas ang ulo.

Narito ang ilan sa mga viral videos mula sa FB pages na AMBS TV at Hello:

Ang ilang netizens, naaliw sa mga nakakatawang gimik na ito pero ang ilan 'di naman naiwasang mainis sa mga pasaway.

Bukod sa paandar na ito sa mga barangay, isang mommy naman ang nag-viral dahil sa kanyang "wais" na gimik ngayong ECQ, na una nang naiulat ng KAMI.

Samantala, umakyat na sa 462 ang naitalang positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel