14 na pinauwing may COVID-19 sa QC, kasama pa rin ng kanilang mga pamilya

14 na pinauwing may COVID-19 sa QC, kasama pa rin ng kanilang mga pamilya

- Nakababahala ang sitwasyon ngayon ng 14 na mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa Quezon City

- Pinauwi kasi ito ng kani-kanilang mga bahay dahil daw sa kakulangan ng mga lugar sa ospital kung saan pwede silang ilagak

- Nang bisitahin sila ng surveillance team na nagmo-monitor ng kanilang mga kalagayan, kasama pa rin ng mga COVID-19 patients ang kanilang pamilya

- Ang ilan pa rito ay mga walang face masks kaya malaki ang posibilidad na mahawa pa nila ang kanilang mga kapamilya

- Ang isa pa sa kanila ay nagda-dialysis dalawang beses sa isang linggo kaya naman mas lalong naging mahirap ang sitwasyon ng pasyenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

14 pang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na mula sa Quezon City ang pinauwi dahil sa kakulangan ng lugar sa mga ospital kung saan maari silang ilagak.

Ayon sa ulat ni Saleema Refran ng GMA news, nasa ilalim naman daw ito ng DOH Memorandum 2020-0108 kung saan ang mga COVID-19 patients na mayroong mild symptoms at hindi naman mga senior citizen ay maaring pauuwiin at sasailalim na lamang sa strict monitoring.

Ngunit nang binisita ng Quezon City epidemiology at surveillance unit head Rolando Cruz ang mga pasyente, kasama pa rin ng mga ito ang kani-kanilang mga pamilya at di raw sinusunod ng mga ito ang 'social distancing'.

“Nakikita namin na walang home quarantine o self-quarantine na nangyari doon sa loob ng bahay,” pahayag ni Cruz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lubhang mapanganib ito at malaki ang posibilidad na mahawa pa ng mga pasyente ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nandoon sila with their families, wala man lang nakasuot ng face mask so that’s dangerous,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Quezon City spokesperson Pia Roces-Morato, di lamang nila sinusunod ang protocol ng Department of Health, inuuna talaga nila ang mga pasyenteng may COVID-19 na mas nangangailangan ng atensyong medikal.

Base sa huling ulat ng Philippine Star, ang pito raw sa 14 na ito ay nailagak na sa HOPE 1, na isang alternative medical facility sa nasabing lungsod.

Ang isang payente rin na napauwi ay naibalik na sa ospital dahil sumasailalim ito sa dialysis dalawang beses sa isang linggo kaya mas naging mahirap ang kanyang kalagayan ngayon.

Samantala, sa huling tala ng DOH, 462 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ngayong araw, Marso 23 ang may pinakamataas na nadagdag na kaso kung saan umabot ito sa 82 sa isang araw lamang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel