DFA: Bilang ng mga Pinoy na may COVID-19 sa ibang bansa, umabot na sa 153

DFA: Bilang ng mga Pinoy na may COVID-19 sa ibang bansa, umabot na sa 153

- Naglabas ng datos ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa mga Pinoy na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa labas ng Pinas

- Ayon sa DFA, nasa 153 na ang mga Pinoy na nagkaroon ng COVID-19 sa iba’t-ibang mga bansa

- Nasa 66 ang kasalukuyang nagpapagaling pa at ang isa naman ay nasawi sa France

- Sa Japan ang may pinakamaraming Pinoy na nagkaroon ng COVID-19 dahil sa quarantine ng M/V Diamond Princess

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes na muling nadagdagan ang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t-ibang mga bansa.

Nalaman ng KAMI na umabot na sa 153 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nilabas ng DFA ang datos at napag-alamang nasa 66 na Pinoy pa ang kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Samantala, nasa 86 na Pinoy naman ang mga pinalabas na ng ospital matapos nilang gumaling.

Sabi sa ulat ng Inquirer, 1 Pinoy ang nasawi sa France dahil sa coronavirus. 23 na bansa naman sa buong mundo ang may Pinoy na nagkaroon ng COVID-19.

Ayon sa ABS-CBN News, sa Japan may pinakamaraming Pinoy na nagkaroon ng COVID-19. Ito ay dahil sa M/V Diamond Princess na nag-quarantine sa Yokohoma, Japan. 80 na Pinoy ang nagpositibo rito sa coronavirus, 3 ang nagpapagaling pa, at nasa 77 naman ang gumaling na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na nasa 462 na ang nagpositibo sa coronavirus ngayong Lunes sa Pilipinas. Nasa 33 naman ang nasawi at 18 na ang naka-recover mula sa sakit na ito.

Ang coronavirus disease o COVID-19 ay isang sakit na naunang naitala sa Wuhan, China. Kasalukuyang nasa lagpas 350,000 na ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI reviewed the 2020 Oscar Best Picture movie "Parasite" to let you know if it is worth checking out! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel