Wais! Gimik ng 1 nanay ngayong ECQ, bentang-benta sa mga netizens

Wais! Gimik ng 1 nanay ngayong ECQ, bentang-benta sa mga netizens

- Bentang-benta sa mga netizens ang "wais" na gimik ng isang ginang para sa kanyang mga chikiting ngayong umiiral ang "enhanced community quarantine" sa ilang parte ng bansa

- Para mas maging kapaki-pakinabang ang kanilang oras, nagtayo ito ng kanyang "Mama Home Quarantine Store"

- At maaaring mabili ito ng kanyang mga anak sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain-bahay

- Maraming Pinoy ang na-inspire sa gimik na ito lalo na ang mga nanay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patok na patok sa social media ang "wais" na gimik ng isang ginang para sa kanyang mga chikiting ngayong umiiral ang "enhanced community quarantine" sa ilang parte ng bansa.

Sa Facebook post ng ginang na si Hycinth Clor de Arta, mula sa Davao City, bentang-benta sa mga netizens ang kanyang "Mama Home Quarantine Store".

Ginawa raw ito ni Mommy Hycinth para mas maging kapaki-pakinabang ang kanilang oras lalo na ngayong lockdown.

"How we make them productive amid the lockdown. Mama’s Home Quarantine Store is now open for my kiddos," anito sa kanyang FB post.

At ang perang maaaring ipangbili ng kanyang mga anak ay mula sa mga gawaing-bahay na may katumbas na sweldo para sa mga ito. Galing 'di ba?

Siyempre pa, sumusunod din daw ang buong pamilya sa "social distancing" at ang pagiging malinis para iwas hawa sa virus!

Ang viral post ni Mommy Hycinth umabot na sa 90,000 shares at mahigit 70,000 reactions sa Facebook.

Patunay lang ito na ang pagiging malikhain ng mga Pinoy, lumalabas kahit pa sa mga panahong nakararanas tayo ng sakuna o trahedya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

`

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel