64-anyos na nurse, di paawat sa pagiging 'frontliner' sa PGH

64-anyos na nurse, di paawat sa pagiging 'frontliner' sa PGH

- Isang 64-anyos na nurse sa Philippine Genereal Hospital ang patuloy pa rin sa kanyang serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19

- Di alintana kay Alita Gonzales ang kaalaman na dahil sa kanyang edad, mabilis siyang mahahawa ng nakamamatay na virus

- Ayon sa anak nito, di raw mapigilan ang kanyang ina dahil sa dedikasyon nito sa kanyang sinumpaang tungkulin

- 36 taon nang nurse si Alita at nakatakda na itong magretiro sa susunod na taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di paawat sa serbisyo ang 64-anyos na nurse sa Philippine General Hospital na si Alita Gonzales.

Sa panayam ng GMA News sa anak nitong si Maricon Gonzales, di raw mapigilan ang kanyang ina na isang Head Nurse ng Central Endoscopy ng nasabing ospital.

Lubha kasing mapanganib na sa edad ni Alita ang magkaroon pa ng COVID-19 ngunit patuloy pa rin siya sa pagpasok.

Magsisimula ang araw niya paggising ng alas tres ng umaga para sa kanyang shift mula 7:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon.

36 taon nang nurse si Alita at nakatakda siyang mag-retire sa susunod na taon.

Maayos pa rin niyang nagagawa ang kanyang mga responsibilidad bilang nurse at malaki ang naitutulong niya sa mga kasama niya sa trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"May sinumpaan kaming tungkulin sa bayan," ayon kay Alita.

Dalawang araw na ang nakararaan nang maiulat ng Abante ang limang naka-recover sa COVID-19 sa bansa.

Apat sa mga ito ay pawang mga senior citizens kaya naman nakapagbigay pag-asa ito sa marami.

Ayon sa World Health Organization, mas madaling mahawa ang mga senior citizens dala ng kanilang edad at ang posibilidad na magkaroon pa sila ng iba pang mga komplikasyon dala ng COVID-19.

Ngayong Marso 22, naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 82 ang nakumpirmang nag-positibo sa kinatatakutang virus.

Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health, 462 na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel