Pinakamalaking dagdag ng kaso ng COVID-19 sa isang araw, naitala ngayon

Pinakamalaking dagdag ng kaso ng COVID-19 sa isang araw, naitala ngayon

- Ngayong araw ay naitala ang pinakamataas na dagdag ng kaso ng COVID-19 sa bansa

- Ayon sa ulat ng Department of Health, umabot sa 82 ang naitalang bagong kaso ngayong araw

- Sa kabuuan ay umabot na sa 462 ang kumpirmadong kaso sa bansa

- 18 ang bilang ng gumaling, habang umabot na sa 33 ang pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa pinakabagong ulat ng Department of Health, pumalo sa 82 ang bagong kaso ng COVID-19 na nadagdag ngayong araw. Ito na ang maituturing na pinakamalaking dagdag ng kaso sa isang araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 462 ang kumpirmadong kaso kung saan 18 sa mga ito ay naka-recover na at 33 naman ang nasawi.

Ayon naman sa worldometer, umabot na sa 341,696 ang bilang ng infected ng COVID-19 sa buong mundo. 14, 756 na ang nasawi habang 99,041 ang bilang ng mga gumaling na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

POPULAR: Read more Health News here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel