Kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 12,513

Kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 12,513

- Ngayong araw ay naitala ang 208 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Ayon sa ulat ng Department of Health, umabot 12,513 ang kabuuang COVID-19 cases

- 74 namang ang naidagdag sa mga recoveries kaya umabot na sa 2,635 ang gumaling

- 7 ang panibagong kaso ng nasawi kaya pumalo na sa 824 ang namatay dahil sa sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa pinakabagong ulat ng Department of Health, pumalo sa 208 ang bagong kaso ng COVID-19 na nadagdag ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 12,513 ang kumpirmadong kaso kung saan 2,635 sa mga ito ay naka-recover na at 824 naman ang nasawi.

Sa kabuuan umabot na sa 4.64M ang bilang ng infected ng COVID-19 sa buong mundo. 312K na ang nasawi habang 1.69M ang bilang ng mga gumaling na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

POPULAR: Read more Health News here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel