Make-up artist na deadma sa curfew, nanakit ng opisyal na nanita rito

Make-up artist na deadma sa curfew, nanakit ng opisyal na nanita rito

- Arestado ang isang make-up artist na nanakit ng mga awtoridad na sumita sa kanya at sa kanyang mga kasama matapos silang lumabag sa ipinapatupad na curfew

- Sabi sa ulat, minura at sinabunutan nito ang mga sumita sa kanila

- Samantala, isa namang lalaki na lumabag din sa curfew sa Imus ang umalma nang dakpin ito ng mga pulis

- Matatandaang umiiral sa ilang parte ng bansa ang "enhanced community quarantine" dahil sa nakamamatay na coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Arestado ang isang make-up artist sa Marikina matapos itong manakit ng mga awtoridad na sumita sa kanya dahil sa paglabag nito sa curfew.

Sa ulat ng Dobol B at GMA News, sinabing sinita ng mga pulis at ilang opisyal ang 22-anyos na lalaki na kinilalang si Alvin Bunda at mga kasama nito.

Nakita kasi ang mga ito na naglalakad pa sa kalye sa Barangay Tumana kahit na magha-hatinggabi na.

Batay sa ulat ng GMA News, agad na dinala sa presinto ng Marikina City Police ang lalaki.

Samantala, isa namang lalaki na lumabag din sa curfew sa Imus ang umalma nang dakpin ito ng mga pulis.

Sa ulat ni Mai Bermudez ng GMA News, umiiral na ang 24 oras na curfew sa lugar kung kaya naman hindi na pinapayagan na lumabas ang mga residente kung walang importanteng lakad.

Sa video na ibinahagi sa Twitter, makikita ang sapilitang pagdakip sa lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang umiiral sa ilang parte ng bansa ang "enhanced community quarantine" dahil sa nakamamatay na coronavirus.

Ito ay upang mapigil ang pagkalat ng virus sa bansa na kumitil na sa buhay ng libo-libong tao.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 380 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa isa pang report ng , isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "state of calamity" ang buong bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel