Kaye Abad, sinupalpal ang netizen na nagsabing "undisciplined" silang mag-asawa

Kaye Abad, sinupalpal ang netizen na nagsabing "undisciplined" silang mag-asawa

- Hindi pinalampas ni Kaye Abad ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post

- Ibinahagi ng aktres ang litrato niya kasama ang kanyang mag-ama na kuha sa isang beach

- Isang netizen ang nagsabing "undisciplined" sila dahil sa paglabas nila sa gitna ng banta ng COVID-19

- Gayunpaman, pinaliwanag ni Kaye na pag-aari ng kanyang asawa ang nasabing beach house

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Kaye Abad ang litratong kuha sa isang beach kasama ang kanyang mag-amang Paul Jake Castillo at Joaquin. Isang netizen ang hindi napigilang magsalita ng negatibo sa pag-aakalang tuloy ang pamamasyal ng mag-anak sa pampublikong lugar.

Tinawag silang "undisciplined" ng isang netizen. Ito ay kaugnay sa pinapatupad na quarantine sa kasalukuyan upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman ito pinalampas ng aktres at ipinaliwanag na pag-aari ng kanyang asawa ang beach house na iyon. Hindi na lang umano niya pinaalam sa kanyang post dahil ayaw niyang magmukhang mayabang.

Kaye Abad, sinupalpal ang netizen na nagsabing iresponsable silang mag-asawa

Kaye Abad, sinupalpal ang netizen na nagsabing iresponsable silang mag-asawa
Source: Instagram

Tinawanan lang din ni Paul Jake ang patutsada ng netizen sa kanila.

Si Kaye Abad ay isang aktres na nagsimula sa mundo ng showbiz bilang bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Ikinasal siya kay Paul Jake Castillo noong December 9, 2016 sa Cebu City.

Sa naunang ulat, naging usap-usapan ang komento ng kanyang ex-boyfriend na si Chito Miranda sa kanyang Instagram post.

POPULAR: Read more about Kaye Abad here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

HumanMeter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel