Anak, nawalan ng ina at tatlong kapatid sa loob ng isang linggo dahil sa COVID-19

Anak, nawalan ng ina at tatlong kapatid sa loob ng isang linggo dahil sa COVID-19

- Binahagi ng isang anak kung paano ang hirap na mawalan ng halos lahat ng mga mahal niya sa buhay sa loob lamang ng isang linggo dahil sa COVID-19

- Unang pumanaw ang nakatatandang kapatid at sumunod na ang kanyang ina na narinig pa niya ang boses habang kausap niya ang doktor nito

- Matapos ang ilang araw, sumunod na ring pumanaw ang dalawa pa niyang kapatid na lalaki

- Ilan pa sa kanilang mga kamag-anak ay na-ospital na rin kaya naman napakasakit ng pinagdaanan ng kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matinding pagsubok ang pinagdaanan ng pamilya Elizabeth Fusco sa New Jersey, USA kung saan, apat sa kanilang pamilya ang pumanaw dahil sa coronavirus disease 2019.

Base sa ulat nina Faith Karimi, Evan Simko-Bednarski at Melanie Schuman ng CNN, ang ina at tatlong kapatid nito ay pumanaw sa loob lamang ng isang linggo.

Marso 10, nang tawagan siya ng doktor ng ospital kung saan naka-admit ag kanyan ina. Naririnig pa niya kung paano mag-agaw buhay ang kanyang ina habang kausap ang doktor nito sa telepono.

Kalauanan ay pumanaw na rin ito. Nang linggo ring iyon, sunod-sunod nang pumanaw ang kanyang kapatid na babae at dalawang kapatid na lalaki dahil pa rin sa COVID-19.

Napakasakit talaga nito para sa pamilya ni Elizabeth at halos di sila makapaniwala sa mga pangyayari.

Ang masaklap pa rito, tatlo sa kanilang mga kamag-anak ay kasalukuyan na ring nasa ospital at nag-positibo rin sa virus na ikinamatay na ng apat na miyembro ng kanilang pamilya.

Ayon sa ulat ng The Times pinaniniwalaang nakuha ng pamilyang ito ang virus mula sa dinaluhan nilang family gathering kung saan mayroon nang naunang namatay dahil sa COVID-19 na naroon din.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa pinakahuling datos mula sa worldometer, pangatlo ang USA sa may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pinakamarami ang China na nagkaroon ng 81,093 na COVID-19 cases, sumunod ang Italy na may 59,138 at ang USA na mayroong 35,075.

Kasama ang mga mahal sa buhay ni Elizabeth sa 458 na naitalang pumanaw sa Amerika dahil sa coronavirus disease 2019.

Sa Pilipinas, kasalukuyan nang may 462 na kaso ayon sa Department of Health at ngayong araw, Marso 23, naitala ang pinakamaraming kumpirmadong kaso sa isang araw dahil umabot na ito sa 82.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel