Coronavirus scare: Patient 121, inaming tinanggihan ng mga ospital

Coronavirus scare: Patient 121, inaming tinanggihan ng mga ospital

- Inamin ni patient 121 na ilang beses siyang tinanggihan ng ilang ospital matapos mag-positibo sa novel coronavirus 2019

- Si PH121 ay 37-anyos na lalaki na mula sa Mandaluyong at may-ari ng isang construction firm

- Sa isang panayam, ibinahagi nito ang naging karanasan simula noong makaramdam siya ng sintomas ng COVID-19

- Kasalukuyan itong nagpapagaling sa isang ospital at nagbigay ng mensahe sa publiko upang mapigilan ang pagkalat ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng patient 121 na ilang beses siyang tinangghihan ng ilang ospital matapos siyang mag-positibo sa novel coronavirus.

Sa isang panayam dito ng GMA News (Reporter, Lei Alviz), sinabi nitong karamihan sa ospital na nakausap nito ay puno na at may nagsabing mayroon silang kwarto ngunit hindi para sa mga pasyenteng may COVID-19.

"Una, may tumawag for me, may available daw na room. Sabi ko 'Can you tell them that I'm COVID-positive.' Nung sinabi nga nila na COVID-positive, tinanggihan na nila ako," anito.

Kwento nito, Marso 3 nang magsimula siyang makaramdam ng sintomas ng sakit.

"'Pag uwi ko, medyo nag-chills ako nang kaunti noong madaling araw, so I just took paracetamol and then natulog ako," sabi nito.

Kinabukasan ay maayos naman daw ang pakiramdam nito at pumasok pa sa trabaho. Bandang hapon nang makaramdam daw ulit ito nang pagsama ng pakiramdam.

Mayroon din daw itong mga meeting nang araw na iyon.

Marso 5 nang magsimula na raw siyang lagnatin.

"Akala ko naman na, since wala naman akong na-encounter, baka 'yung normal na fever lang so nagtataka lang ako kasi ang fever ko usually lasts for two days lang. Eh 'yung fever ko tuloy-tuloy, so medyo kinabahan na ako. Although nag-on and off siya eh."

Marso 11 nang magpa-check up daw siya sa St. Luke's sa Quezon City.

"'Pag dating doon, hindi raw kasi ako qualified, dahil limited 'yung testing kits. They can, mag-blood test ako and x-ray. So noong nag x-ray ako, 'pag labas noong result, ER, nakita nilang may pneunomina. Doon ako biglang naging considered PUI (person under investigation) na. They had me, ano na, nag-swab test na ako, nilipat na ako doon sa tent. At that time, wala pa rin akong cough, so pinauwi muna nila ako, self-isolate muna for the meantime while waiting for the result."

Marso 13 nang kumpirmahin daw ng Department of Health na positibo siya sa COVID-19 at sinabi sa kanya na humanap ng ospital kung saan siya pwedeng magpa-admit.

Pero Marso 15 pa raw siya na-confine sa isang ospital dahil sa mild pneumonia.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang pakiramdam ni PH121 at naghihintay na lang ng mga resulta ng mga tests upang masiguro kung kakailanganin pa niya ng treatment o tuluyan nang gumaling sa sakit.

Nag-iwan din ito ng mensahe para sa publiko.

"It's really scary. Unang una, sumunod tayo dun sa instructions ng government na talagang quarntine. If you don't need to be out, just stay home. Siyempre 'yung hygiene, 'yung nutrition, importante 'yun," sabi nito.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, apat na COVID-19 patients naman sa Quezon City ang pinauwi pa raw dahil sa kakulangan ng hospital beds!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel