Ruby Rodriguez, umalma sa lumabas na balitang pumanaw na ang kanyang kapatid

Ruby Rodriguez, umalma sa lumabas na balitang pumanaw na ang kanyang kapatid

- Inalmahan ni Ruby Rodriguez ang lumabas na balitang pumanaw na ang kanyang kapatid

- Kabilang ang kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian sa napaulat na nag-positibo sa COVID-19

- Si Dr. Sally Gatchalian ay ang presidente ng Philippine Pediatric Society

- Ikinagulat ng TV host ang natanggap na mensahe ng pakikiramay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Ruby Rudriguez sa pamamagitan ng isang tweet ang balita tungkol sa diumano'y pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian, ang presidente ng Philippine Pediatric Society.

Pinabulaanan niyang pumanaw na ang kanyang kapatid at patuloy pa rin itong nakikipaglaban sa sakit. Hiniling niya rin na tigilan na ang pagpapalaganap ng fake news.

"Yes, she is my sister. Yes, she is confined. Yes we all are praying and scared. But when fake news spreads and people texting me condolences. I ask, please. She is fighting! She is weak but stable. Please," pahayag ng Eat Bulaga host.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa si Dr. Sally Gatchalian sa napabalitang nag positibo sa COVID-19.

Sa naunang ulat, kinumpirma ng Philippine Heart Association ang tungkol sa pagpanaw ng isang cardiologist nitong Sabado.

Sa kasalukuyan, kinumpirma ng Kagawarang Pangkalusugan na umabot na sa 380 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. 25 dito ang nasawi samantalang 17 sa kanila ay tuluyan nang naka recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel