Ilang residente sa Bulacan, umapela na ng tulong sa gitna ng krisis

Ilang residente sa Bulacan, umapela na ng tulong sa gitna ng krisis

- Humihingi na ng tulong ang ilang mamamayan sa San Jose Del Monte sa lalawigan ng Bulacan

- Ilang residente na ang nasa lansangan para umapela ng tulong lalo na ng makakain

- Bitbit ang mga karton na may mga mensahe, hindi alintana ng marami sa kanila ang posibilidad na mahawaan ng virus

- Sa gitna ito ng umiiral na "enhanced community quarantine" sa ilang lugar sa bansa dahil sa pandemic disease na novel coronavirus 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nananawagan na ng tulong ang ilang mamamayan sa San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan.

Sa Facebook post ng netizen na si John Dela Vega noong Marso 21, ilang residente na ang nasa lansangan para umapela ng tulong lalo na ng makakain.

Bitbit ang mga karton na may mga mensahe, hindi alintana ng marami sa kanila ang posibilidad na mahawaan ng virus.

Sa ilang larawan na ibinahagi ni Dela Vega, makikita rin na mayroong mga kabataan ang kasama sa mga humihingi ng tulong.

"Masisi po ba natin sila?

"Nakakadurog po ng puso ang makita sila, walang muwang, ang alam lang nila ay nagugutom sila at wala silang makain.

"Poong Nazareno, tulungan nyo po ang mga batang ito," ayon sa FB post ng netizen.

Batay sa report ng Provincial Health Office ng Bulacan, dalawa na ang naitalang positive case ng coronavirus sa San Jose Del Monte Bulacan, hanggang Marso 21, 2020.

Sa kabuuan, mayroon nang pitong positibo sa virus sa buong lalawigan ng Bulacan, isa sa Malolos, isa sa Guiguinto, dalawa sa San Ildefonso at isa sa Baliwag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang pinaka-una at nag-iisang biktima ng virus sa Baliwag ay ang alkalde nito na si Mayor Ferdie Estrella na nasa maayos na lagay na, na una nang naiulat ng KAMI.

Samantala, umakyat na sa 380 ang positibo sa COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel