4 na COVID-19 patients sa QC, pinauwi dahil sa kakulangan ng hospital beds

4 na COVID-19 patients sa QC, pinauwi dahil sa kakulangan ng hospital beds

- Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na apat na pasyenteng kumpirmadong may COVID-19 ay pinauwi sa kanilang mga tahanan

- Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang nga mga pasyenteng isinusugod sa mga pagamutan

- Base sa pinakahuling datos, umabot na sa 44 ang confirmed COVID-19 cases sa naturang lungsod

- Dahil sa kakulangan sa kama o kwarta sa pagamutan, napagpasyahang pauwiin na ang apat na pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinauwi na lamang sa kanilang mga tahanan ang apat na pasyenteng kumpirmadong may COVID-19. Ito ay kinumpirma mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa panayam sa kanya ng GMA-7, pinayagang umuwi ang mga pasyente dahil sa tumataas na dami ng nagpopositibo sa COVID-19 at kulang na rin ang hospital beds at silid sa mga pagamutan.

Napag-alaman ng KAMI na base sa pinakahuling datos, umabot na sa 44 ang confirmed COVID-19 cases sa Quezon City.

“Nasa bahay ang mga pasyente, ‘no, dahil nga sa kakulangan ng mga kama or mga kuwarto sa ating mga ospital," saad ni Mayor Belmonte.

“Ibig sabihin nun, nakipagkapwa na sila doon sa mga kapitbahay at sa kapamilya nila, so the risk is now multiplied, ‘no? At ngayon, we now have to test all of their family members," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inalmahan naman ito ng ilang personalidad kasama sina Alex Gonzaga at Pokwang.

Sa kasalukuyan, kinumpirma ng Kagawarang Pangkalusugan na umabot na sa 380 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. 25 dito ang nasawi samantalang 17 sa kanila ay tuluyan nang naka recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel