Doktor na pumanaw dahil sa COVID-19, isinulat ang huling kahilingan

Doktor na pumanaw dahil sa COVID-19, isinulat ang huling kahilingan

- Usap-usapan ngayon ang nakakaawang kalagayan ng mga doktor at nurse na pangunahing humaharap sa panganib ng COVID-19

- Tatlong doktor ang napabalitang binawian ng buhay simula nitong Sabado hanggang ngayong araw

- Marami ang naantig sa kwentong ibinahagi ni Bishop Pablo Virgilio David sa social media

- Kasunod nito ay naibahagi sa social media ang isang sulat na umano ay sinulat ng namayapang doktor noong March 16

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa pagsalaysay ni Bishop Pablo Virgilio David tungkol sa naging mensahe ng isang doktor na pumanaw dahil sa COVID-19.

Ayon sa nasabing post, ibinahagi ng namayapang doktor ang kanyang mensahe para sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

abanggit din sa post na isa sa mga iniisip ng doktor ay ang kanyang anak na may autism na maaring maiwang mag-isa dahil sa nag positibo na rin COVID-19 ang kanyang asawang kagaya niya ay isa ding doktor.

Ayon sa ibinahaging sulat na umano ay ginawa ng doktor limang araw bago siya tuluyang bawian ng buhay, nais niyang maisakatuparan ang last rites ngunit hindi pinayagan ng mga doktor na may makalapit sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, naipanalangin siya ni Bishop David sa pamamagitan ng pagtawag nito sa kanyang maybahay na ngayon ay patuloy pa ring nakikipaglaban para sa kanyang buhay.

Narito ang kabuuan ng sulat:

Sa kasalukuyan, tatlo ang napabalitang pumanaw mula sa hanay ng mga front liners sa bansa. Lubos na kinabahala at kinalungkot ng karamihan ang pagpanaw ng tatlong doktor na kabilang sa sampung manggagamot na nag-positibo sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel