Direk Darryl Yap: “Namatay ang isang doktor dahil nagsinungaling ang pasyente”

Direk Darryl Yap: “Namatay ang isang doktor dahil nagsinungaling ang pasyente”

- Isiniwalat ng isang direktor ang kanyang nalaman hinggil sa umano'y pangyayari sa Philippine Heart Center

- Ayon sa kanyang source na nagtatrabaho din sa Philippine Heart Center, namatay umano ang isang doktor dahil nagsinungaling ang isang pasyente

- Pinili umano nitong pagtakpan ang posibleng pagkakaroon niya ng virus kaya kinailangang i-quarantine lahat ng nakasalamuha ng nasabing pasyente

- Tatlo na ang pumanaw nadoktor ayon sa lumabas na mga ulat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ng direktor na si Darryl Yap ang isiwalat ang kanyang nalaman tungkol sa umano'y pangyayari sa Philippine Heart Center matapos napabalitang pumanaw ang doktor na nagtatrabaho doon.

Ayon sa direktor ng pelikulang #Jowable, iniiwasan niya sanang magbahagi ng mga bagay na negatibo hinggil sa COVID-19 pero dahil sa labis na pagkabahala ay napilitan siyang ilabas ang kanyang nalaman.

Ayon sa kanya, dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagshoot ng isang short video sa Philippine Heart Center, nakakilala siya ng ilang nurses at doktor sa nasabing pagamutan.

Napag-alaman niyang hindi nagsabi ng totoo ang isang pasyente upang pagtakpan ang posibilidad ng pagkakaroon niya ng virus kaya marami ang na expose sa virus.

1. Namatay po ang isang doktor dahil nagsinungaling ang isang pasyente, hindi nagsabi ng mahalagang impormasyon, nagsawalang-bahala at mas piniling pagtakpan ang posibleng pagkakaroon niya ng virus—dahil din po dito, lahat ng naexpose sa pasyenteng iyon, lalong-lalo na sa namatay na doktor ay kailangang iQuarantine; halos kaunti na lang po silang mga nasa frontline doon.

Isa umano sa kasamahan ng pumanaw na doktor ang sumubok na e-revive ang kanyang katrabaho at kaibigan. Hindi ito tumitigil sa pag-iyak dahil sa trauma at pangamba para sa kaligtasan niya at mga taong kanyang nakasalamuha.

2. Pinakabumagabag po sa akin ay ang balitang ang isa sa mga doktor na pilit na nagrevive sa doktor ay nagkaroon ng trauma; hindi humihinto sa pag-iyak, sa pagkawala ng kaibigan AT LALO NA SA STRESS NG PAG-AALALA NIYA SA SARILI NIYANG BUHAY AT NG MGA NAKASALAMUHA NIYA.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huli ay binigyang-pugay ng direktor ang lahat ng front liners na tunay na bayani kung maitututring dahil sa kanilang mga sakripisyo.

SALAMAT SA LAHAT NG HEALTHCARE WORKERS o FRONTLINERS—ibang level ito, BAYANI TALAGA KAYO, HIGIT KANINO MAN, KAYO ANG DAPAT PINAPALAKPAKAN, PINUPURI AT IPINAGDADASAL.

Sa kasalukuyan, tatlo ang napabalitang pumanaw mula sa hanay ng mga front liners sa bansa. Lubos na kinabahala at kinalungkot ng karamihan ang pagpanaw ng tatlong doktor na kabilang sa sampung manggagamot na nag-positibo sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel