Pinakaunang Pinoy na nagkaroon ng COVID-19, buong tapang na idinetalye ang pinagdaanan

Pinakaunang Pinoy na nagkaroon ng COVID-19, buong tapang na idinetalye ang pinagdaanan

- Mabilis na nag-viral ang post ng COVID-19 survivor na si PH4

- Siya ang pinakaunang Pilipino na tinamaan ng coronavirus disease 2019

- May travel history siya sa Japan at labis naman daw ang kanilang pag-iingat sa kanilang paglalakbay

- Aminado siyang hinidi naging madali ang kanyang pinagdanaan sa pagkakaroon ng virus

- 15 araw siyang namalagi sa ospital at malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng taong hindi siya iniwan sa panahong matindi ang kanyang pinagdaaanan dala ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na ibinahagi ni Carlo Llanes Navarro, ang pinakaunang Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ang kanyang pinagdaanan sa pagkakaroon ng kinatatakutang virus.

Sa kanyang Facebook post ngayong Marso 22, nilantad niyang siya si PH4 at isa sa mga kauna-unahang kaso ng noo'y 2019 novel coronavirus pa kung tawagin.

Nalaman ng KAMI na mayroon siyang travel history sa Japan na noo'y wala pang kumpirmadong kaso ng ng nasabing virus.

Pebrero 25 nang makabalik sila sa Pilipinas at isang linggo pa ang nakalipas bago lumabas ang ilang sintomas ng virus tulad ng lagnat.

Marso 3 nang magdesisyon siyang magpa-konsulta na sa doktor.

Nang panahong iyon, hindi agad siya inirekomenda na sumailalim sa COVID-19 test ngunit siya lamang ang nagpumilit.

Dalawang araw ang nagdaan at nawala na raw ang kanyang lagnat ngunit labis na pananakit ng katawan at sobrang pag-ubo ang kanyang nararanasan.

Nang gabing iyon, tinawagan na siya ng Department of Health at agad siyang dinala sa Research Institute for Tropical Medicine sa Alabang.

Doon nagsimula na rin ang contact tracing sa kanyang mga nakasalamuha at laking pasalamat niyang negatibo naman ang mga ito sa COVID-19.

Aminado siyang di naging madali ang kanyang pinagdaanan sa pagkakalagak niya ng dalawang linggo sa ospital.

Sa ika-15 na araw, magandang balita na ang bumungad sa kanya at wala na siyang anumang sintomas ng COVID-19 kaya naman nakalabas na siya sa ospital.

Marami rin daw natutunan si Carlo sa karanasan niyang ito ay marami rin siyang napagtanto at ipinagpasalamat lalo na sa mga taong di siya iniwanan sa panahong matindi ang kanyang pinagdaraanan dala ng COVID-19.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Kasalukuyan nang may 380 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas. Tumaas din sa 25 ang bilang ng nasawi ngunit 15 na ngayon ang naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel