73 ang nadagdag! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, umabot na sa 380

73 ang nadagdag! Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinas, umabot na sa 380

- Umabot na sa 380 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas base sa huling datos na inilabas ng Department of Health ngayong Marso 22

- 73 ang nadagdag pa sa dating 307 na bilang ng mga nagpositibo sa virus

- 6 naman ang nadagdag sa listahan ng pumanaw habang 15 na ang mga naka-recover

- Kasalukuyan pa rin nasa ilalim ng enhance community quarantine ang Luzon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

73 ang lumabas na positibo sa isinagawang COVID-19 test noong Marso 21 sa ilang.

Dumagdag ito sa huling bilang na 307 kaya ngayo'y may kabuuang bilang na 380 confirmed COVID-19 cases ang Pilipinas.

Ayon pa sa CNN Philippines, 15 huling bilang mga mganaka-recover habang anim ang nadagdag sa mga pumanaw. Mayroon na ngayon 25 na kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa naturang virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa panayam ng GMA news kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, biglang lobo ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil sa nagkaroon na ang bansa ng sapat na bilang ng mga testing kits.

Ayon pa sa Department of Health, dahil dumami na rin ang mga laboratories na maaring magsagawa ng tests, huwag na raw mabibigla kung patuloy na tataas ang bilang ng mga pasyenteng nag-positibo sa COVID-19.

Mariing pinapaalala pa rin nila ang pananatili sa mga tahanan lalo na kasalukuyan pa ring nasa enhance community quarantine ang Luzon o tinatawag nilang 'Luzon Lockdown."

Pakiusap din ng pamahalaan na mangyari sumunod sa kanilang mga panukala na ang motibo lamang ay upang mapigilan na ang pagdami pa ng biktima ng coronavirus disease 2019 sa ating bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel