Nakatutuwang video tungkol sa pagbabawal 'mag-TikTok', patok sa mga netizens

Nakatutuwang video tungkol sa pagbabawal 'mag-TikTok', patok sa mga netizens

- Viral ang video ng isang netizen na nagbigay babala tungkol sa pagkahumaling sa TikTok

- Hango ito sa orihinal na video ng ABS-CBN na "Anti-Drug democracy" na nagawang i-edit ng netizen

- Pumatok ito sa netizens dahil sa nakatutuwa nitong linya na ipinalit sa naturang advertisement

- Kasalukuyang 'work-from-home' ang netizen kaya naman nagawa niya ang nakakaaliw na video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang nakatutuwang video ng netizen na si Randolph Co.

Hango ang video sa "Anti-Drug democracy" campaign ng ABS-CBN na nagawang i-edit ni Co upang 'pagbawalan' ang publiko na huwag nang subukang mag-TikTok.

Makulit na pinalitan ni Co ang mga linya sa ad na mas pumatok sa mga netizens.

Ang nakatutuwa pa sa video, kahit pagbibigay babala na huwag nang simulan ninuman ang "pagti-TikTok", nagawa pa rin ni Co na magbigay ng "sample" sa saliw ng musikang 2002 ni Anne Marie.

Kasalukuyang 'work-from-home' si Co kaya naman nagawa niya ang nakakaaliw na video na ito.

Sa panahon ngayon na nasa enhanced community quarantine ang Luzon at pinananatili na lamang ang lahat sa kani-kanilang mga tahanan, isa ang 'TikTok' sa mga pampalipas oras ng mga Pinoy.

Wala kasing pinipiling edad ang mga nahuhumaling sa app na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens na napasaya sa naturang video.

"Hahahaahahah labyu mamsh! Tawang tawa ko"
"Andami mo ngang Free Time! Hahahaha"
"We knew it ... #nilamonngsistema"
"hahahahaaa..more videos pa po"
"Pasikatin na yaaan! Lab iiit!"
"Dahil dito, delete ko na TikTok account ko"
"Konti na lang magi-TikTok na ako!"

Ang TikTok ay isang Chinese video-sharing social networking service na pagma-may-ari ng ByteDance.

Ginagamit ito sa mga short dance, lip-sync, comedy at iba pang talent videos.

2017 nang inilunsad ito sa bilang isang applicaion sa iOS and Android.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica