18 pari sa Italy na nagdasal para sa mga COVID-19 patients, pumanaw dahil sa virus

18 pari sa Italy na nagdasal para sa mga COVID-19 patients, pumanaw dahil sa virus

- Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga pari sa Italy na namamatay dahil sa "paglapit" nila sa mga pasyenteng may COVID-19

- Dinadasalan nila ang mga nasa Intensive Care Unit ng iba't-ibang ospital o di kaya naman ay binibigyan nila ito ng huling pagbabasbas

- Binahagi pa ng isang pari kung paano nila isinasagawa ang pagdarasal na lubhang mapanganib din para sa kanila

- Kasalukuyan nang may pinakamataas na bilang ng pumanaw sa COVID-19 ang Italy at nalampasan na nito ang China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakababahala na sinusugal ng mga pari sa Italy ang kani-kanilang mga buhay sa tuwing sila ay lalapit sa mga pasyenteng kumpirmadong may coronavirus disease 2019.

Ayon sa Yahoo news, umabot na sa 18 ang mga pari sa naturang bansa ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na pinadadasalan kasi ang mga agaw-buhay na pasyenteng may COVID-19 doon o di kaya naman ay pinabibigyan ito ng huling pagbabasbas kung pumanaw na.

Base sa ulat ng DailMail, parang mga doktor na rin ang mga pari na nakalalapit sa mga pasyenteng tinamaan ng kinatatakutang virus.

10 ang kumpiramadong pumanaw sa Bergamo, Lima sa Parma at tatlo pa sa ibang bahagi ng Italya.

18 pari sa Italy na nagdasal para sa mga COVID-19 patients, pumanaw dahil sa virus

source: Adnkronos news agency
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

'Dressed in a mask, a cap, gloves, a robe and protective glasses, we priests walk around the halls like zombies,' paglalarawan ni Father Claudio del Monte sa panayam sa kanya ng Adnkronos news agency.

Ang 18 pari na ito ay kasama na sa 4,032 na kabuuang bilang ng mga pumanaw sa Italy base sa huling bilang noong Marso 20.

Tuluyan na nilang nalamapasan ang China na mayroong 3,255 na kumpirmadong pumanaw.

Sa unang ulat ng KAMI, nasabing umabot na sa 627 sa isang araw ang namatay sa Italy dahil sa COVID-19.

Samantala, dito sa Pilipinas naitala rin ang pinakamaraming kumpiramadong kaso sa isang araw kung saan umabot na ito sa 77.

Kasalukuyang may 307 na kumpiramadong kaso sa bansa base sa huling datos ng Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel