Naka-aalarma! Italy, may 400 hanggang 600 na namamatay sa isang araw dahil sa COVID-19

Naka-aalarma! Italy, may 400 hanggang 600 na namamatay sa isang araw dahil sa COVID-19

- Pumalo sa 627 ang naitalang pumanaw dahil sa COVID-19 sa Italy sa isang araw lamang

- Ito ang pinakamataas na naitala mula noong magkaroon ng kumirmadong kaso sa nasabing bansa noong Pebrero 23

- Mula Marso 15, 300 hanggang 600 pataas ang bilang ng nasasawi sa Italy dahil sa nakamamatay na virus na ito

- Nalamapasan na nito ang naitalang bilang ng China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naka-aalarma na umabot sa 627 ang naiulat na pumanaw dahil sa COVID-19 sa Italy base sa datos na nilabas nila ngayong Marso 21.

Ayon sa GMA news, ito ang pinakamalaking bilang ng naitalang pumanaw sa isang araw dahil sa nakamamatay na virus.

Kasalukuyang 4,032 na naitalang pumanaw sa bansa ayon sa pinakahuling bilang.

Nalampasan na nito ang China na may 3,255. Una na itong nai-ulat ng KAMI.

Makikita rin sa Worlometer info na tila di na bumaba sa 300 ang bilang ng namamatay sa naturang bansa mula Marso 15 kung saan unang naitala ang bilang ng namatay na 368.

Naka-aalarma! Italy, may 400 hanggang 600 na namamatay sa isang araw dahil sa COVID-19

source: worldometer
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marso 16, 349 ang pumanaw, Marso 17, 345, noong Marso 18 mayroong 475 na pumanaw at noong Marso 19, mayroong 427.

47,021 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italy ay mayroon ding 5,129 na naka-recover.

Nitong Huwebes, dumating na mula China ang mga supplies at maging ang medical team na tutulong sa Italy na mapigilan pa ang paglaganap ng kinatatakutang virus ng buong mundo.

Samantala, sa ating bansa, 77 ang nadagdag na kaso ng COVID-19 na bumuo sa kasalukuyang bilang na 307 ayon sa Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel