Isa sa mga Pinoy COVID-19 survivors, ibinahagi ang kanyang pinagdaanan

Isa sa mga Pinoy COVID-19 survivors, ibinahagi ang kanyang pinagdaanan

- Ibinahagi ng isang Pinoy COVID-19 survivors ang kanyang pinagdaanan simula nang makaramdam siya ng simtomas ng sakit

- Isang linggo pa muna ang dumaan bago siya nakapagpa-check-up sa pagamutan

- Ayon sa kanya, masakit para sa kanya nang dumating ang resulta na nagpositibo siya sa COVID-19 dahil sa mismong kaarawan niya ito natanggap

- Gayunpaman, nagbigay siya ng mga payo sa mga tao upang malabanan ang nasabing sakit na ngayon ay kumikitil sa maraming buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ng isang 25-anyos na lalaki mula sa Makati na tinawag ng DOH bilang si PH15 ang kanyang pinagdaanan simula nang makaranas siya ng simtomas ng COVID-19.

Isa siya sa mga naiulat na nakarecover mula sa sakit na ngayon ay kumikitil sa maraming buhay hindi lamang sa bansa kundi saiba't-ibang panig na mundo.

Napag-alaman ng KAMI, mula sa ABS-CBN News na nagkalagnat si PH15 noong February 29. Nakaranas din siya ng ubo at sipon. Tumagal ng isang linggo ang kanyang ubo bago niya napagpasyahang magpasuri sa ospital.

Matapos ang dalawang araw, dumating ang kanyang resulta na nagsasabing positibo siya sa COVID-19. Ang masaklap pa ay sa mismong kaarawan niya natanggap ang nasabing resulta.

Ayon sa kanyang paglalarawan, wala siyang mailabas na plema dahil sa dry cough at barado din ang kanyang ilong kaya hindi siya makatulog ng maayos.

Bumiyahe ng 12 araw si PH15 sa United Arab Emirates kaya siya ay kaagad na naging Person Under Investigation.

Habang naka-isolate sa pagamutan, hindi napigilang mag-isip ng negatibong bagay si PH15. Gayunpaman, naging inspirasyon niya ang kanyang mga mahal sa buhay.

Nakatulong din sa kanya na may nabasa siyang mga artikulo sa internet tungkol sa mga gumagaling mula s COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Payo niya, dapat ay palakasin ang immune system ng bawat isa at ingatan ang mga taong may edad na o may mga health conditions lalo na sa baga.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 307 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. 19 ang nasawi at 13 ang naitalang gumaling.

POPULAR: Read more Health News here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel