Mga pulis, agad sinaklolohan ang matandang tumapon ang dalang bigas

Mga pulis, agad sinaklolohan ang matandang tumapon ang dalang bigas

- Marami ang naantig ang puso sa larawan ng isang matandang babae na 'di sinasadyang naitapon ang dalang bigas

- Mabuti na lamang at agad itong nasaklolohan ng ating mga alagad ng batas na nakita pang bumaba mula sa kanilang sinasakyan nang makita ang sitwasyon ni nanay

- Dahil dito, marami ang na-inspire sa tagpong ito lalo na sa panahong sinusubok ang tatag ng mga Pinoy

- At kahit pa sa pinakamahirap na sitwasyon katulad nito, nangibabaw pa rin ang pagbabayanihan nating mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral sa social media ang larawan ng isang matandang babae sa Legazpi City na hindi sinasadyang naitapon ang dalang bigas.

Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Paul Paguio, makikita ang nakakalungkot na nangyari kay nanay habang pilit tinitipon ang bigas na nagkalat sa semento.

Sa panahong napakahalaga ng bawat butil ng bigas, hindi natin masisisi si nanay kung pilit nitong isinasalba ang natapong bigas.

Mabuti na lamang at agad itong nasaklolohan ng ating mga alagad ng batas na nakita pang bumaba mula sa kanilang sinasakyan nang makita ang sitwasyon ni nanay.

Umani ng papuri ang ating mga policewomen mula sa mga netizens na humanga sa kanilang naging aksyon para matulungan ang isang mamamayan.

Dahil dito, marami ang na-inspire sa tagpong ito lalo na sa panahong sinusubok ang tatag ng mga Pinoy.

"Saludo ako sa Inyo police woman dapat kau Ang bigyang parangal."

"God bless po,nkka touch nmn kahit sa picture ntn nkkt mararamdaman pa rin ang kirot sa puso."

"Ito kailangan natin ngaun mga tao dyan sa pinas mag tulongan.."

"Sa ganitong panahon kasi sobrang precious ng bigas kaya talaga namang manghihinayang kang matapon ng ganyan..salute to te police women."

"true servant of god and the people.."

Samantala, batay naman sa mga comments sa naturang post, napag-alaman ng KAMI na tinulungan din ng mga policewomen ang matandang babae para makabili ito ng bigas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, kumurot sa puso ng marami ang larawan ng mga pulis na namamahinga sa kalsada sa gitna ng kanilang laban sa coronavirus disease.

Sa kasalukuyan ay isa ang ating mga pulis at sundalo ang tumutulong sa mga mamamayan upang malabanan ang pagkalat ng pandemic disease na ito na pumatay na sa maraming tao sa buong mundo.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 300 ang bilang ng positive case nito sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel