Mayor Vico Sotto, hindi pabor sa pagkukumpara ng mga LGU

Mayor Vico Sotto, hindi pabor sa pagkukumpara ng mga LGU

- Hindi pabor si Pasig City Mayor Vico Sotto sa ginagawang pagkukumpara sa mga alkalde ng lokal na pamahalaan

- Ito ay sa gitna ng banta ng COVID-19 kung saan sinusubaybayan ng sambayanan ang magiging aksiyon ng bawat lider

- Buong pagpapakumababang sinabi ni Vico na kahit siya ay kumukuha ng ideya mula sa ibang local government

- Ipinaliwanag din niya na kasama sa trabaho niya ang pag-report sa mga ginagawa ng LGU

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong hinangaan si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa kanyang sinabi sa isang panayam ni Jessica Sojo. Ito ay sa gitna ng pagkukumpara ng mga local government units at isa siya sa pinakahinahangaan ng karamihan. Ayon sa kanya, hindi siya pabor sa ganitong sistema dahil siya mismo ay gumagaya ng magagandang nagagawa ng ibang local government.

Sa isang tweet ay ipinaliwanag din niyang wala siyang interes na tumakbo sa national politics. Ito ay matapos dumami ang humihiling na sana ay siya ang sumunod na pangulo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa alegasyon naman ng pagbabahagi ng kanyang magandang nagawa sa socia media, nilinaw niyang kasama sa anyang trabaho na ibahagi ang mga nagagawa ng lokal na pamahalaan. Aniya, dalawang tao lang ang bumubuo sa kanyang social media team.

Marami ang nakakapansin sa husay sa pamamalakad ng batang mayor. Ayon pa sa unang panayam kay Sotto, bata pa lamang siya ay nakahiligan niya na ang government kaya siya napunta sa serbisyo publiko.

Si Vico Sotto ay anak ng sikat na TV host na si Vic Sotto at ng batikang aktres na si Coney Reyes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Mailfire view pixel