Pitong doktor sa Quezon City, kasama sa 44 na kumpirmadong may COVID-19 sa lungsod

Pitong doktor sa Quezon City, kasama sa 44 na kumpirmadong may COVID-19 sa lungsod

- Umakyat na sa 44 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City

- Kasama na rito ang pitong doktor sa lungsod na pinaniniwalaang nahawa habang sila ay nasa ospital at tumitingin sa mga pasyenteng positibo sa virus

- 77 na pasyente ang nadagdag ngayon, Marso 21 at ito ang pinakamaraming nakumpirmang kaso sa isang araw

- Mayroon namang limang naitalang naka-recover at lahat at apat sa mga ito ay mga senior citizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

44 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Quezon City.

Binahagi ng kanilang Facebook page na Quezon City Government ang listahan ng mga barangay na pinagmulan ng mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Nalaan ng KAMI na ang mga barangay B.L. Crame, Kalusugan, Damayang Lagi ang mayroong tig tatlong mga kaso at pinakamarami sa kumpara sa iba na mayroon lamang na dalawa o isang kaso.

Base rin sa ulat ng Inquirer, pito sa 44 na pasyenteng may COVID-19 sa lungsod ay pawang mga doktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinaniniwalaang nahawa ang mga ito habag tumitingin sa mga pasyenteng unang tinamaan ng kinatatakutang virus.

Samantala, kinumpirma naman ng lungsod na lima na ang lima na ang naitalang naka-recover sa kanilang lungsod.

Sa huling update ng Department of Health, 77 ang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa. May kabuuang bilang na itong 307 ngayong Marso 21.

Mayroon ding karadagang lima na naka-recover at apat sa mga ito ay pawang mga senior citizens.

Kasalukuyan pa ring nasa enhanced community quarantine ang Luzon at may curfew mula alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga kinabukasan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel