Doktor sa Italy, emosyonal na binahagi ang mga huling sandali ng ilang COVID-19 patients

Doktor sa Italy, emosyonal na binahagi ang mga huling sandali ng ilang COVID-19 patients

- Nilarawan ng isang doktor sa Italy kung paano makiusap sa kanila ang mga agaw-buhay nilang mga pasyente na tinamaan ng COVID-19

- Nakikiusap kasi ang mga ito na makausap o makita manlang sa huling sandali ang kanilang mga mahal sa buhay

- Tila alam daw ng mga pasyente kung nalalapit na nga ba sa katapusan ang kanilang buhay

- Masakit daw sa damdamin ng mga doktor ang ganitong eksena dahil hindi nila napapagbigyan ang mga pasyente at mahigpit na pinagbabawal na madalaw ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang doktor sa Italy ang nakakadurog ng pusong sitwasyon sa tuwing haharap sila sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Base sa ulat ng The Sun, isa raw si Doctor Francesca Cortellaro ng San Carlo Borromeo hospital sa mga frontliner doctors sa Milan.

Sinabi nitong mahirap ang sitwasyon ng isang COVID-19 patient dahil dumarating ang mga ito na mag-isa, nilalabanan ang kanilang sakit mag-isa at ang masaklap, maari pa silang mamatay mag-isa.

"You know what's most dramatic? Seeing patients dying alone, listening to them as they beg you to say goodbye to their children and grandchildren," pahayag ni Dr. Cortellaro.

Masakit din daw sa kanilang damdamin na makita ang mga pasyente lalo na sa puntong tila nararamdaman na nila na hindi na sila magtatagal.

"When they are about to die, they sense it," dagdag pa ng doktor.

Ang tanging nagawa ng doktor ay ma-video call ang apo ng isa sa mga pasyente para mapagbigyan ang naghihingalong pasyente.

Matapos ang video call, namaalam na nga ang COVID-19 patient.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula noon, sa ganitong paraan, pinagbibiyan na lamang nila ang kanilang mga pasyente na tila mamamaalam sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng video call.

Mayroon na nga raw "farewell list" ang doktor, para sa mga pasyenteng nagmamakaawang makausap ang kanilang mga mahal sa buhay sa puntong tila alam na nilang di rin sila magtatagal.

Sa ngayon, nakakikilabot na nasa 500 ang namamatay kada araw sa Italy base sa ulat ng CNN.

Ayon sa Daily Mail, Marso 19 nang dumating na ang tulong na mga supplies maging ang mga medical experts mula China sa Italy dahil sa patuloy na paglobo ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang dahilan kung bakit Europe na ang bagong episentro ng coronavirus disease 2019 lalo pa at nilampasan na rin nila ang China sa bilang ng mga namamatay sa kanila. Una na itong naibalita ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel