Isang pamilya, naglakad ng halos 5 oras para makauwi sa Abra

Isang pamilya, naglakad ng halos 5 oras para makauwi sa Abra

- Isang netizen ang nagbahagi ng kwento ng isang pamilyang kanyang nakitang naglalakad

- Ayon sa kanila, limang araw na silang naglalakad para makauwi sa Abra

- Ito ay sa gitna ng pagtigil ng pagpasada ng pampublikong sasakyan dahil sa ipinapatupad na lockdown

- Humingi na rin umano ng tulong ang mag-anak sa mga dumadaan na truck upang isabay sila pero hindi umano sila tinulungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Facebook user ang nagbahagi ng nakakaawang sitwasyon ng isang pamilyang nakita niyang naglalakad at may mga dala-dalang mga bag.

Ayon kay Jenny Dianne Galimba, galing ang mag-anak sa San Quintin Pangasinan at limang araw na silang naglalakad papuntang Abra ayon na rin sa kwento ng mga ito.

Humingi na raw sila ng tulong sa mga dumaang truck ngunit hindi umano sila napagbigyan. Dahil sa awa ay nag-abot na rin si Galimba ng kaunting tulong para maidagdag sa [pambili ng pagkain ang pamilya.

Magandang Hapon po sa Lahat, kung sino man po ang makakita sakanila Pls naman po Pakitulongan naman po sila kase po Galing pa po sila ng San Quintin Pangasinan, 5 days na daw po silang naglalakad makauwe lang sa ABRA. Ilang beses na daw po silang humingi ng tulong sa mga Truck na dumadaan para daw po makisabay kaso ayaw daw po talaga, Medyo may edad na din po si tatay at nanay lalo po sa dalawang bata na kasama nila. Sa sobrang awa ko po sakanila, nagbigay po ako ng konting pera para naman po pang dagdag sa pangkain nila habang sila ay naglalakbay pauwe sa ABRA Halos makaiyak po ako kanina habang kinausap ko si tatay Kase po swerte po natin na hindi naabutan ng Virus at naka Stay at home lang tayo subalit sila na 5days ng naglalakad makauwe lang sakanila Pls! Pahelp naman po Thankyou!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani naman ng reaksiyon ang nasabing post. May mga nagpahayag ng pag-aalala para sa kanila lalo na at may edad na rin ang ama.

Sa kasalukuyan umabot na sa 6.4K shares at mahigit 6,000 reactions ang nasabing post.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter host Christine shares her thoughts on the Best Picture Oscar winner Parasite. Feel free to share your thoughts regarding the movie. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel