Lalaking positibo sa coronavirus at nawala sa QC, natagpuan na

Lalaking positibo sa coronavirus at nawala sa QC, natagpuan na

- Natagpuan na ang lalaking pinaghahanap ng mga awtoridad matapos itong magpositibo sa coronavirus

- Batay sa naunang ulat ng KAMI, umalis ito sa isang ospital sa siyudad matapos magpakonsulta

- Pero nang puntahan na ito ng mga awtoridad sa ibinigay nitong address sa Barangay Tandang Sora ay napag-alamang hindi ito nakatira roon

- Natunton naman ito sa address na kapareho ng numero at street name ngunit sa Barangay Batasan Hills

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natagpuan na ang lalaking nagpositibo sa coronavirus disease 2019 matapos itong umalis sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) kung saan ito nagpakonsulta.

Pero nang puntahan na ito ng mga awtoridad sa ibinigay nitong address sa Barangay Tandang Sora ay napag-alamang hindi ito nakatira roon, na una nang naiulat ng KAMI.

Itinanggi rin ng pamilya sa naturang address na wala silang kamag-anak na nawawala.

Samantala, natunton naman ito sa address na kapareho ng numero at street name ngunit sa Barangay Batasan Hills, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Sinabi rin sa ulat na sasailalim sa quarantine ang mga kaanak ng lalaki.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng "extreme enhanced community quarantine" ang bahagi ng dalawang barangay sa lungsod na nakitaan ng ilang kaso ng COVID-19.

Batay sa mga ulat, 29 na ang positive case ng coronavirus sa QC at mayroon nang isang nasawi.

Sa kabuuan, ay mayroon nang 217 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa huling tala ng Department of Health noong Huwebes, Marso 19.

Sa isa pang report ng KAMI, iginupo rin ng coronavirus ang isang pulis na nakatalaga sa Maynila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel