70-anyos na lola, buwis-buhay pa ring nagtitinda sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19

70-anyos na lola, buwis-buhay pa ring nagtitinda sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19

- Agaw-atensyon ang isang lola na nanatili pa rin sa lansangan sa kabila ng banta ng COVID-19

- Madalas daw kasing mag-away ang pamangkin niya at asawa nito sa tinutuluyan nilang bahay kaya naisipan niyang umalis at maglako

- Naisipan niyang maglako para makatulong daw sa pamagkin lalo na at sinasabihan siya na tumulong sa kanila

- Labis na nakapag-aalala ang lagay ng lola dahil ang mga tulad niya ang mabilis na kapitan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 70-anyos na lola ang namataan paring nasa lansangan ng Maynila sa kabila ng panganib na dala ng coronavirus disease 2019.

Binahagi ng GMA News ang panayam ni Ivan Mayrina sa kay Lola Flora na mula pa raw Bulacan.

Doon daw kasi siya nakikituloy sa kanyang pamangkin at asawa nitong madalas mag-away.

Nasabihan din siya ng asawa ng kanyang pamangkin na tumulong sa mga gastusin kaya naman napilitan siyang maglako pa rin sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health, ang mga tulad ni Lola Flora ang mabilis kapitan ng virus dahil sa kanyang edad at ang resistensya ng kanyang pangangatawan.

Kamakailan, ay naisalba na rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ilan sa mga wala ring mga tirahan na noo'y nasa kahabaan lamang ng Roxas Blvd.

Binahagi ng Philippine Star ang mga larawan ng isinagawang pagpapalikas at karamihan sa mga ito ay tulad ni Lola Flora na may nga edad na kaya mas lalong nararapat na malagak sila sa maayos na masisilungan.

Sa ngayon, umabot na sa 230 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa bansa habang nananatiling 8 ang naka-recover at 18 na ang pumanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel