Video ng PBA stars na isa-isang kumanta ng "Heal the world", nagbigay inspirasyon sa mga Pinoy

Video ng PBA stars na isa-isang kumanta ng "Heal the world", nagbigay inspirasyon sa mga Pinoy

- Gumawa ng isang collaboration ang ilan sa mga sikat na PBA stars para magbigay ng inspirasyon sa kabila ng kinakaharap ngayon ng Pilipinas at ng mundo dulot ng COVID-19

- Binahagi ito ni LA Tenorio sa kanyang Instagram kung saan isa-isa niyang napakanta ang kanyang mga kapwa basketbolista sa pagkanta ng "Heal the World"

- Ilan sa kanila ay sina Paul Lee, Marc Pingris, Scottie Thompson, Jimmy Alapag, Gabe Norwood, Jayson Castro, Japeth Aguilar, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, James Yap, Beau Belga, Kiefer Ravena at June Mar Fajardo

- Kasalukuyan ding suspendido ang mga games ng PBA bilang bahagi pa rin ng pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon online ang ginawang collaboration ng isang PBA stars at isa-isa silang kumanta ng "Heal the World."

Binahagi ang video sa Instagram ni LA Tenorio kung saan nagbigay muna siya ng mahalagang mensahe kaugnay sa dinaranas ng Pilipinas maging ang mundo dahil sa COVID-19.

"Alam ko po na napakahirap nang nararanasan natin ngayon na parang nakatigil ang mundo natin," he said. "Kapit lang po, matatapos din po itong pinagdadaanan natin ngayon," ayon sa point guard ng barangay Ginebra.

Kasama niyang kumanta sina Paul Lee, Marc Pingris, Scottie Thompson, Jimmy Alapag, Gabe Norwood, Jayson Castro, Japeth Aguilar, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, James Yap, Beau Belga, Kiefer Ravena, at June Mar Fajardo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Di lamang mga PBA fans ang natuwa sa ginawa nilang ito ngunit maging ang iba pa nating kababayan lalo pa at ang buong Luzon ay sumasailalim ngayon sa enhanced community quarantine.

Natapos ang video sa pamamagitan ng mga katagang "Laban Kababayan, Laban buong mundo, Lalaban Tayo, Laban, Pilipino!"

Samantala, suspendido rin ang mga laro ng PBA bilang bahagi ng pag-iingat patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, una nang ginawa ito ni "Wonder Woman" star na si Gal Gadot kung saan nakipag-collaborate din siya sa ilang mga hollywood stars.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel